Balong Elementary School's Alumni Association

Balong Elementary School's Alumni Association

Share

An avenue of paying forward for further development of Balong Elem, our alma mater.;-)

21/09/2021

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ป๐—ฟ๐—ผ๐—น๐—น๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿญ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฏ๐Ÿฌ

Setyembre 21, 2021 โ€“ Inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na tatanggap pa rin ang mga paaralan sa buong bansa ng enrollees hanggang Setyembre 30, 2021.

Sa kasagsagan ng National School Opening Day Program, ibinahagi ni Pangalawang Kalihim para sa Field Operations, Palarong Pambansa Secretariat at DEACO, at Oplan Balik Eskwela Co-Chair Atty. Revsee Escobedo ang pagpapahaba ng enrollment para sa Taong Panuruan 2021-2022.

โ€œBatay po sa napag-usapan ng ExeCom noong nakaraang pagmi-meeting, magpapalabas po tayo ng order kung saan ang Department of Education ay tatanggap ng enrollees hanggang September 30, 2021,โ€ ani Pangalawang Kalihim Escobedo.

Ayon sa DepEd Order No. 30, s. 2021, iniutos ng DepEd sa mga pampubliko at pribadong paaralan, pampublikong pamantasan at kolehiyong sumusunod sa iskedyul ng DepEd na tumanggap ng mga mag-aaral hanggang katapusan ng buwan.

Idinagdag niya rin na ang Kagawaran ay umaasa na malalagpasan ng pangunahing edukasyon ang bilang ng enrollment na naitala ng DepEd noong nakaraang taong panuruan, na may kabuoang bilang na 26,227,022 mga mag-aaral.

โ€œUmaasa po tayo na sa buwang ito ay mas mahihigitan natin ang numero ng enrollment natin noong nakaraang School Year 2020-2021. Dahil ngayong September 13, 2021, sa pagbubukas ng klase ay mayroon na kaagad tayong 24.6M enrollees,โ€ aniya.

Sa naitala noong Setyembre 14, mayroon nang 25,582,224 mga mag-aaral na nakapag-enroll (o 97.5% ng nakaraang taon) para sa kasalukuyang taong aralan, na may 19,411,039 na mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan, samantalang 1,563,321 ang nakapag-enroll sa mga pribadong institusyon.

Higit pa rito, binanggit din ng DepEd na ang rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, MIMAROPA, Gitna at Silangang Visayas, Hilagang Mindanao, Caraga, BARMM, at CAR ay nakalagpas na sa naitala nilang enrollment rate noong nakaraang taon, indikasyon na ang ilang mga mag-aaral na piniling hindi mag-enroll noong nakaraang taon ay bumabalik na ngayon.

Samantala, binigyang-diin ni Kalihim Leonor Magtolis Briones na inaasahan niya pa rin ang mas maraming mga mag-aaral sa paparating na taong panuruan sa kabila ng hamon ng pandemya.

Binahagi rin ng Kalihim ng Edukasyon ang naitalang bilang ng mga nagsipagtapos noong nakaraang taon, itinampok ang pangako ng Kagawaran na ipagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng banta ng mga lockdown at pagsasara.

โ€œOur tentative graduation figures indicated that 98.13% or 2,055,499 of 2,115,040 Grade 6 learners made it. Our Grade 10 learners also did very well. 96.9% or 1,881,817 out of 1,940,578 completed their studies. Our Grade 11 learners made it at 97.2% or 1,489,164 of
1,531,718,โ€ aniya.

[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2021/09/21/deped-extends-enrollment-for-sy-2021-2022-until-september-30/]

26/08/2021

TINGNAN: Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa kabila ng pandemiya, hinikayat ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga magulang at guardians na maagang ipatala para sa SY 2021- 2021 ang kanilang mga anak.

Nagsimula na ang regular enrollment para ngayong taon nitong August 16 at magtatagal hanggang Setyembre 13.

Upang mapangalagaan naman ang kapakanan ng mga magulang, mag-aaral, g**o at mga kawani ng paaralan, naglabas ang DepEd ng enhanced enrollment guidelines upang sila ay gabayan sa magiging proseso ng enrollment habang nasa ilalim ng pandemiya.

Basahin: https://mb.com.ph/2021/08/20/deped-to-parents-guardians-enroll-children-early/

Photos from DepEd Tayo Balong Central School's post 04/08/2021

Day 2
โ€œBayanihan Para Sa Paaralanโ€

03/08/2021
Photos from DepEd Tayo Balong Central School's post 09/07/2021

Balong Elementary School Staff would like to thank God,the Barangay Balong Officials,the parents and stakeholders who always put their hardship in helping us in maintaining our schoolโ€ฆour school award as Best Brigada Implementer, 2020-2021 is nothing without youโ€ฆ Thank you so much to you all.

Photos from Balong Elementary School's Alumni Association's post 10/03/2021

Thank you Brgy.Captain Jerry Doctolero for your donation of 1 load screen sand๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡
God bless you more.

Photos from Balong Elementary School's Alumni Association's post 09/03/2021

Thank you very much Kagawad Rubilyn M. Songgadan for your donation 1load screen sand.
God bless you more๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡

Want your school to be the top-listed School/college in Tabuk?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


P1, Balong
Tabuk
3800

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm