31/08/2026
โ๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข
โ
โSa mahabang kasaysayan ng Pilipinas, hindi iisa ang anyo ng kabayanihan. May mga Pilipinong nakilala dahil sa kanilang pakikibaka, paglilingkod, at pagsasakripisyo para sa bayan, at mayroon ding mga bayani na hindi na naitala sa kasaysayan ang pangalan. Upang kilalanin at alalahanin ang kanilang mga ambag, itinatag ang National Heroes Day bilang isang pambansang araw ng paggunita at pagpupugay sa mga bayaning Pilipino, kabilang ang mga kilala at hindi gaanong nakilala sa kasaysayan.
โ
โAng paggunita sa mga bayani tuwing Agosto ay may kaugnayan sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan. Kabilang dito ang Sigaw ng Pugad Lawin noong Agosto 1896, na naging mahalagang pangyayari sa Himagsikang Pilipino laban sa pamahalaang Kastila. Sa paglipas ng panahon, naging bahagi ng pambansang paggunita ang Agosto bilang panahon ng pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga Pilipino.
โ
โMay mahabang kasaysayan ang mismong pagdiriwang ng National Heroes Day. Noong Oktubre 28, 1931, ipinasa ang Act No. 3827, na nagtakda sa huling Linggo ng Agosto bilang National Heroes Day. Sa panahon naman ng pananakop ng mga Hapones, nagbago ang itinakdang araw ng paggunita. Noong Marso 20, 1942, nilagdaan ni Pangulong Jose P. Laurel ang Executive Order No. 20, na nagtakda sa Nobyembre 30 bilang National Heroes Day, kasabay ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.
โ
โPagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling ibinalik ang paggunita sa Agosto. Noong 1952, sa ilalim ni Pangulong Elpidio Quirino, muling itinakda ang National Heroes Day sa huling Linggo ng Agosto. Nanatili ang ganitong kaayusan sa Administrative Code of 1987, na ipinahayag ni Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No. 292, Book I, Chapter 7, na naglalaman ng listahan ng mga regular na holiday at nationwide special days, kabilang ang National Heroes Day.
โ
โMakalipas ang ilang dekada, muling nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng pagdiriwang ng mga pambansang holiday. Sa pamamagitan ng Republic Act No. 9492, na inaprubahan noong Hulyo 25, 2007 sa ilalim ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, inilipat ang National Heroes Day mula sa huling Linggo tungo sa huling Lunes ng Agosto. Ang batas ay bahagi ng rationalization of the celebration of national holidays, na kabilang sa tinatawag na โHoliday Economicsโ, isang patakarang naglalayong bawasan ang pagkaantala sa trabaho at lumikha ng mas mahahabang weekend, na inaasahang makatutulong din sa domestic leisure at turismo.
โ
โKaya naman, ngayong Araw ng mga Pambansang Bayani, ating alalahanin at parangalan ang mga Pilipinong naglaan ng kanilang tapang, buhay, at paglilingkod para sa bayan; mga bayani ng kasaysayan, mga bayaning maaaring hindi natin kilala sa pangalan, at mga Pilipinong patuloy na naglilingkod at nagsasakripisyo para sa kapwa at bayan sa kasalukuyan.
โ
โAt sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay sa kasaysayan, mayroon pa tayong isang katanungang naghihintay ng kasagutan, isang tanong na maaaring magdagdag sa iyong kaalaman at magbukas ng panibagong pahina sa iyong pag-unawa sa ating kasaysayan.
โBuksan ang link para sa ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ #4.
https://forms.gle/RGpNsKEt9XvjYWSU7
https://forms.gle/RGpNsKEt9XvjYWSU7
https://forms.gle/RGpNsKEt9XvjYWSU7
โ
โMay nakalaang premyo para sa tatlong unang makapagbibigay ng tamang kasagutan, ngunit higit sa gantimpala, nawaโy ang hangarin ay hindi lamang ang manalo, kundi ang matuto, makaalala, at maibahagi ang mga aral na iniwan ng nakaraan.
โ
โ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐!๐ต๐ญ
โ๏ธ ni: Bernice Granel
๐ผ๏ธ ni: Sunny Pattal