20/08/2026
G**o at Kabataan
Sa mga nangyayari ngayon sa bayan
Kabataang pag-asa ay napapabayaan
Napapariwara at kaninong kasalanan
G**o nga ba ang dahilan
Noon lumaki kami sa palo ni Ma'am
Bawat salita at pangaral ay ninanamnam
Lumilipad na chalk at eraser
Pagmamahal at pag-aalala ni sir
Sa awa ng Diyos heto at nakapagtapos
Pundasyon ng edukasyon walang paltos
Dahil hinubog ng sakripisyo at disiplina
Pagsubok ay hindi na alintana
Hindi ko sinisisi ang anumang batas
Sapagkat nilikha ito upang makaligtas
Kaya lang anong nangyari?
Bakit marami nang nasawi?
Ang nakakatawa si Ma'am at sir ang maysala
Ganito na ba talaga ang tingin ng madla
Mismong mag-aaral ang nanggugulpi
Mali pa ng g**o sa huli
Mahirap ng disiplinahin ang kabataan
Pagkat may batas na sandalan
ok lang na ang g**o ang masaktan
wala namang p**i ang karamihan
Wala akong sinasabing bulag ang batas,
Ngunit tila may pagkukulang sa paglingap.
Ngayon ay ating inaani ang naitanim,
Kabataang unti-unting nababalot ng dilim.
Pilipinas ay tila nalulunod na rin,
Sa suliraning dapat sana'y lutasin.
Ngunit hindi pa huli ang lahat,
Kailangan lang mamulat ang bawat isa nang sapat.