14/02/2026
Taos-puso naming pinasasalamatan ang lahat ng mga kandidatong buong tapang na tumayo, naglahad ng kanilang mga plataporma, at nagpakita ng kanilang hangaring maglingkod. 👏💙 Ang inyong dedikasyon, pagsisikap, at pagpapakita ng mabuting asal ay tunay na sumasalamin sa diwa ng tunay na pamumuno. 🌟
Alalahanin natin na ang pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa pagkapanalo, kundi sa kahandaang tumayo, maglingkod, at magbigay ng positibong pagbabago. 🏆 Sa mga mahahalal, nawa’y mamuno kayo nang may integridad at pananagutan. At sa mga hindi man papalarin, tandaan ninyo na mahalaga ang inyong boses at ang inyong paglalakbay bilang pinuno ay nagpapatuloy pa rin. 🤝
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga g**o, kawani, at mga mag-aaral na naging bahagi ng tagumpay ng programang ito. 💐 Ang inyong oras, suporta, at pakikiisa ang nagbigay-buhay sa gawaing ito para sa buong pamayanan ng paaralan. 🏫