05/10/2020
𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙠𝙖𝙮 𝙈𝙖𝙖𝙢 𝙖𝙩 𝙎𝙞𝙧
Hindi man maisa-isa ang mga aral na naipunla niyo sa kanilang isipan,
Hindi niyo man tanda ang mga payo't mga turo landas lang nila'y di maliko,
Mga pangaral na paulit-ulit ngunit sa isipan nila'y umukit,
Mga turong tumulong para sa patuloy nilang pagsulong,
At mga dunong na humubog sa kung ano man sila ngayon.
Kayo ang mga naging 'papel de liha' nila
Sinasantabi ang para sa sarili 'sila' lamang ay di mahuli,
Ituring mang pahirap at pasakit ang iyong bawat pagkiskis,
Nagsilbi itong paraan upang sila'y mapakinis at di malihis.
Sa kasalakuya'y bugbog kayo ng 'sanlibong paano't isang milyong bakit,
Ngunit hindi pagsuko ang tugon niyo sa bawat sakripisyo't hagit,
Baon ay tatag kapares ng pagsusumikap,
Nagsilbing sulong gagabay patungo sa kanilang pangarap
Nang matamis na bukas ay kanilang malasap.
Sa lahat ng dakilang g**o
Salamat sa lahat ng 'di matatawarang serbisyo't sakripisyo,
Salamat sa paalala, pagkalinga't pagpatnubay
Higit lalo, salamat sa pagiging dakila.
Batid naming hindi sasapat ang salitang salamat,
Ngunit sana'y may salitang maglalarawan ng SOBRANG PASASALAMAT!
𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐔𝐑𝐎! 👩🏫🎉