31/03/2026
Suyo Proper Elementary School GRADUATION,MOVING-UP AND RECOGNITION RITES 2026 Theme: Pilipinong Nagsipagtapos:Handang Mamuno Nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao Guest Speaker: NOEMI "ESTEBAN" L. LAPIOS,LPT TEACHER I TAGUDIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Isa na namang matagumpay na pagtatapos ng mga mag-aaral kabilang na rin ng kanilang mga magulang at g**o.Isang taong pamamalagi sa apat na sulok ng klasrum para mahubog,mahasa at madagdagan ang kanilang kaalaman. Mga batang sa kanilang murang edad ay may kanya-kanyang mithiin at pangarap na nais maabot.
Ayon nga sa sinabi ng butihing Guest Speaker Ginoong Noemi "Esteban", "Palaging isipin na sa bawat pagtahak /sa pamumuno ay kaakibat at napakahalaga ang Mabuting Pagkatao".
Ang bawat tagumpay kasama niniyo palagi ang inyong mga magulang na laging gumagabay sa inyo. Ang pagtatapos ng elementarya ay simula pa lamang ng inyong paglalakbay sa pagtupad ng inyong mga pangarap.
Mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata kayo ang kasangga ng mga g**o tungo sa pag-abot nila ng kanilang mga pangarap.Kayo ang unang g**o nila sa loob ng tahanan para lumaking may respeto sarili ,sa kapwa at takot sa Diyos. Huwag sana ninyong balewalain ang kasalukuyang mukha ng lipunan ang mabuhay sila sa mundo ng gadgets at internet.Bagkus ang laging pag-agapay sa kanila.Hindi sukatan ang medalya at kong anupa mang gantimpala o parangal na kanilang natanggap at kung may natanggap ba sila o wala para sila'y samahan at sabihing natuto.Ang mahalaga ay nagpursige at may determinasyon silang matapos ang isa na namang taong paglalagi sa paaralan.Ang pagkatuto nila para mahubog ang mabuting pagkatao at kakayahan para sa pagtahak nila sa mabuting landas ngayon at sa hinaharap.
2026
at matagumpay na pagtatapos