Aklatan sa Kabukiran

Aklatan sa Kabukiran Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Aklatan sa Kabukiran, Education, Purok 5 Brgy. Lobogon Del Carmen Siargao, Surigao Del Norte, Surigao City.

Aklatan sa Kabukiran is a community library and youth center inside the Gawad Kalinga Village in Del Carmen managed by a youth organization called YPENCIL or Young People ENhancing Children to Improve their Literacy

Hello mga Ka-Aklatan! Hingi lang po sana ako sa inyo ng inyong kaunting oras sa pagsagot ng Survey na ito! Pwede niyo ri...
17/03/2026

Hello mga Ka-Aklatan!

Hingi lang po sana ako sa inyo ng inyong kaunting oras sa pagsagot ng Survey na ito! Pwede niyo rin pong ishare sa mga kakilala niyo lalong-lalo na sa mga kababaihan sa inyong lugar!

Kailangan namin ang inyong tulong para sa isang mahalaga at malaking pag-aaral tungkol sa karapatan ng mga batang Pilipino.

Kung ikaw ay *18 years old at pataas*, malaki ang maitutulong mo sa pagkamit ng *tunay na pagbabago para sa mga kabataang Pilipino sa pamamagitan lamang ng pagsagot sa aming survey.*

Narito ang link🔗:

link🔗: https://tinyurl.com/ParaSaBatangPilipino

✨Ilang minuto lang ito, pero ang epekto nito ay pang-habambuhay. Tara, gawin natin ito

! 🇵🇭✨

Magandang araw! Ang survey na ito ay bahagi ng malawak na pag-aaral para sa mga sikat na personalidad at pagsulong ng karapatan at kapakanang pambata mula pagka-sanggol hanggang 18 taong gulang. Gagamitin ang mga makukuhang impormasyon sa pagpapalakas ng mga programang sumusuporta sa mga batang Pili...

Sa bawat araw na lumilipasSa bawat oras na inilalaanNagbibigay sila ng kanilang buong pusoUpang bawat estudyante'y matut...
05/10/2024

Sa bawat araw na lumilipas
Sa bawat oras na inilalaan
Nagbibigay sila ng kanilang buong puso
Upang bawat estudyante'y matuto nang husto

Silang mga g**o na magigiting
Na walang pagod sa pagtuturo
Sa bawat pangarap at layunin
Sila ang aming gabay at inspirasyon

Sa kanilang pagmamahal at dedikasyon
Sa bawat araw na kanilang ginugol
Kami'y nagpapasalamat nang taos-puso
Sa kanilang walang sawang pag-aalay ng serbisyo

Bilang mga mag-aaral, kami'y magpapatuloy
Sa pag-aaral at hangarin
Dahil sa inyong mga pangarap
Kami'y magsisikap nang may dedikasyon

Aming mga Maestro Ehemplo, kayo ang aming ilaw
Sa landas ng aming paglingap at tagumpay
Maraming salamat sa inyong lahat
Sa inyong pagmamahal at pagmamalasakit.

YPENCIL ON THE GO! Sa pangunguna ng mga YPENCIL leaders ay muling binigyan nila ng kulay ang AKLATAN SA KABUKIRAN. Kasam...
20/07/2024

YPENCIL ON THE GO!

Sa pangunguna ng mga YPENCIL leaders ay muling binigyan nila ng kulay ang AKLATAN SA KABUKIRAN. Kasama nila ang mga bata ng Gawad Kalinga Pangarap Village kung saan makikita sa ngiti ng mga bata na sila ay natuwa habang pinipintahan nila ang Aklatan gamit ang kanilang sariling kamay.

At sa pagpapatuloy ng pagpanday ng mga kakayahan at kaalaman ng mga kabtaan sa GK Pangarap Village, nandiyan ang kanilang mga Ate at Kuya sa YPENCIL upang sila ay gabayan.

Kaya naman ka-Aklatan kung nais mong magpaabot ng iyong tulong sa Aklatan upang mas mabigyan pa sila ng sapat na mga materyales para sa Aklatan at para sa mga bata magpadala lang ng personal na mensahe kay Kuya Jules at Kuya Jan Michael Delosreyes Espia

Salamat Karajaw mga Ka-Aklatan!

Gawad Kalinga Pangarap Village Kids enjoyed the Film Showing and Play Time activity prepared by YPENCIL Youth Leaders. I...
03/03/2024

Gawad Kalinga Pangarap Village Kids enjoyed the Film Showing and Play Time activity prepared by YPENCIL Youth Leaders. It became a magical adventure at our Kids Film Showing and Playtime Activity! We let the kids imagination run wild as they watch an exciting movie and then dive into fun-filled playtime activities. Get ready for a day of laughter, games, and endless entertainment every Sunday in Aklatan sa Kabukiran 🌟🎥🎉





✨Pasko ang Pinaka Magandang Kwento🎄✨Ngayong gabi habang nagpapahinga at patuloy na nagmumuni-muni, aking pinanood ang Ka...
01/12/2023

✨Pasko ang Pinaka Magandang Kwento🎄✨

Ngayong gabi habang nagpapahinga at patuloy na nagmumuni-muni, aking pinanood ang Kapamilya Christmas Station ID.

Tulad ko marahil naantig din ang inyong mga puso dahil sa mensaheng dala ng station ID na ito. Ito ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon na patuloy na magmahal, lumaban, at sumulong bilang isang tao.

Tunay na ang Pasko ang pinaka magandang kwento sa ating mga pilipino di lang dahil tayo ang pinakamahabang nagdirieang ng pasko, damang-dama mo din ang pagmamahalan at pagbibigayan ng isa’t-isa.

Sabi nga sa lyrics ng kanta na ito:

Ilang ulit man ang dilim
Sa buhay nati'y dumating
'Di papanaw, 'di mauubos
Ang mga bituin
Ang magbigay ng sarili sa isa't isa
Ito ang kwento ng Pasko
Ito'y liwanag ng mundo

Kaya naman mga Mahal ko, kasama kayo sa pagdiriwang ng Pasko ang pinakamagandang kuwento sa buhay ko!

Maagang Pagbati ngayong araw ng Pasko!

Saan mang sulok ng daigdig, ang mga kwento ng ating pag-ibig at pagsasama ang mananaig ❤️🎄💙Mga Kapamilya, handog po namin sa Maykapal at sa inyo — ...

Hello mga Ka-Aklatan! Papalapit na po ang pasukan sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Kaya naman kami sa Aklatan sa...
22/08/2023

Hello mga Ka-Aklatan!

Papalapit na po ang pasukan sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Kaya naman kami sa Aklatan sa Kabukiran ay nais makatulong sa mga bata at kabataan sa kanilang pag-aaral ngayong darating na pasukan.

Maliban sa ligtas na espasyo na kanilang pwedeng maging pangalawang silid aralan ay ninanais ng aming grupo na makapagbigay sa 100 na bata at 50 na kabataan ng karagdagang kagamitan sa kanilang pag-aaral.

Kaya kami ay kumakatok sa inyong mga mabubuting puso. Kayo ay maaaring mag-sponsor ng isang bata o kabataan na inyong bibigyan ng kanilang paunang kagamitan sa pag-aaral.

Muli, kung nais niyong magbigay ng tulong ay maaari lamang na magpadala ng mensahe sa aming FB page o magkomento sa post na ito. O di kaya ay magpadala ng inyong tulong sa mga sa impormasyon na makikita sa litrato sa ibaba.

Salamat Karajaw!

26/05/2023

Call for Applications: GBF TeachSTEM Scholarships | Application Deadline: July 31, 2023

Gokongwei Brothers Foundation is now accepting applications for the GBF TeachSTEM College and Master's Scholarship Programs.

Through TeachSTEM, GBF supports pre-service and in-service teachers in becoming champions of STEM education and meaningful student learning experiences.

Since its founding in 2018, GBF TeachSTEM has graduated 24 scholars and currently supports 349 scholars.

This year, GBF is looking for 142 new TeachSTEM college and master's scholars. The application deadline is on July 31, 2023.

🔗 Read the scholarship details and application process here: https://bit.ly/gbfteachstem

➡️ Apply for TeachSTEM College: https://bit.ly/gbftscollege2023
➡️ Apply for TeachSTEM Master's: https://bit.ly/gbftsmasters2023

Ang LIBRO o tinatawag ring AKLAT o BOOK sa salitang Ingles. Kung saan ito ay kinapapalooban din ng mga larawan upang sup...
22/05/2023

Ang LIBRO o tinatawag ring AKLAT o BOOK sa salitang Ingles. Kung saan ito ay kinapapalooban din ng mga larawan upang suportahan o higit na maipaliwanag ang mga impormasyong nais nitong ipahatid.

Mayroon din na iba't-ibang uri ng libro isa na nga rito ang " storybook" kung saan ito ay naglalaman ng mga kuwento na kapupulutan ng aral ng mga mambabasa.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ng Aklatan sa Kabukiran sa ipinaabot na mga storybooks ng Gokongwie Brothers Foundation.

Tiyak na matutuwa ang mga bata ng Aklatan sa muli nitong pagbubukas dahil marami na naman silang mababasang bagong kuwento na kapupulutan nila ng aral na maibabahagi nila sa kanilng mga kalaro at kamag-aral!

Muli, Maraming Salamat!

Bangon Aklatan sa Kabukiran Update: Ilang buwan na rin ang nakakalipas noong sinimulang i-rebuild ang Aklatan sa Kabukir...
22/05/2023

Bangon Aklatan sa Kabukiran Update:

Ilang buwan na rin ang nakakalipas noong sinimulang i-rebuild ang Aklatan sa Kabukiran. Sobrang dami ng naging aberya dahil pabugso-bugso pa din ang malakas na ulan at may kasamang pagbaha pero hindi pa rin kami nawalan ng pag-asa. At patuloy pa din na isinasakatuparan ang muling pagbangon ng Aklatan sa Kabukiran.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang "REBUILDING NG AKLATAN SA KABUKIRAN" at dahil sa inyong suporta at dasal kami ay naniniwala na muling mabubuksan ang Aklatan sa Kabukiran para magbigay ng pag-asa sa bawat kabataan na nangangarap maabot ang kanilang mga pangarap!


Hello mga Ka-Aklatan! Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ating pagsasaayos ng Aklatan sa Kabukiran. Kami ay nagpapasal...
03/11/2022

Hello mga Ka-Aklatan!

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ating pagsasaayos ng Aklatan sa Kabukiran. Kami ay nagpapasalamat sa mga dumating na libro, laruan, materyales pang-edukasyon, costumes at iba pang mga gamit na maaaring magamit ng mga kabataan sa muling pagbubukas ng Aklatan sa Kabukiran

Muli, Maraming Salamat sa Library Hub Philippines at sa kanilang mga donors sa patuloy na pagsuporta ng aming adhikain. Asahan po ninyo na hindi namin sasayngin ang tulong na inyong ipinaabot.



Address

Purok 5 Brgy. Lobogon Del Carmen Siargao, Surigao Del Norte
Surigao City
8418

Telephone

+639202442810

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aklatan sa Kabukiran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Aklatan sa Kabukiran:

Shortcuts

Share

Category