25/02/2025
Charles-Toonista ng Lamian, Bida ng Pahayagan!
Ikinagulantang ng LCES ang karangalang nakamit ni Ranmeyel Charles P. Flores- batang Cartoonist - 1st Place sa Paglalarawan ng Pangulong Tudling, Elementary-Filipino, sa naganap na Division Schools Press Conferenc (DSPC), sa Polomolok South Cotabatoo,noong Pebrero 13-15, .2025
Habang si Charles ay kampante sa mga pangyayari, mangiyak-ngiyak namang umakyat ng entablado ang kanyang mga coach nang marinig ang kanyang pangalan bilang 1st Place. Di maikaila ang pagkamangha, pagkagulat at pagkagalak sa mga sandaling iyon.
Tulad ng marami, isang karaniwang mag-aaral si Charles, tahimik sa klase, madalas nakatuon lamang ang oras sa pagguhit sa kanyang Sketch book. Siya ay batangmaituturing na goal-oriented. Nakatutok at nakatuon lamang sa kanyang layunin. Bago paman ang kompetisyon, buo na ang kanyang layunin na sungkitin ang 1st Place ,at magpapatuloy sa RSPC. Ganoon na lamang ang kanyang pagpupursigi at pagsisikap, at hindi siya nabigo nito.
Aniya, “sa bawat level ng kompetisyon ko ay nagse-set po ako ng muse. Kahit anong bagay lang, o tao na magbibigay ng inspirasyon sa akin”. Sa sandaling iyon, simple lang ang kanyang naging inspirasyon, pinanghahawakan niya na tataas ang kaniyang mga grado. Kaya naman, ipinamalas niya ang kanyang galing sa iginuhit na tagumpay, na kanyang nakamit.
Hindi naging madali ang kanyang mga pagsasanay, siya ay nagsimula noong siya ay nasa Ikalimang baitang pa lamang. Lumipas ang taon, naihahayag na niya ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng paglalarawan. Siya ay naging Cartoonist sa sarili niyang pagsisikap, kakayahan, at kasanayan. Maliban sa mga pagsasanay na ibinahagi at natutunan niya sa mga eksperto tuwing may mga trainings at enhancement, lahat ay nagmumula sa kanyang talento at kakayahan.
Ipinagmamalaki ng Lamian CES ang kanyang galing at pagsisikap na makamit ang karangalang ito. Kaya, sa mga oras na ito, si Charles at ang kanyang coach na si Gng. Ivy C. Hernandez ay isa sa mga kakatawan ng Sangay ng South Cotabato sa larangan ng Paglalarawan ng Pangulong Tudling. Sila ay nagkakaroon ng matinding pagsasanay bilang paghahanda sa muling pagsabak sa Regional Schools Press Conference o RSPC na gaganapin sa Isulan, Sultan Kudarat ngayong Pebrero 25-28.
Eomonie