The MAJ Back

The MAJ Back Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The MAJ Back, Educational Research Center, Sultan Kudarat.

This Team aims to contribute for the preservation of the historical background of the Bangsamoro Nation that will also serve as the basis for the bangsamoro youth generation.

15/12/2021

Sa pagdaan ng mga panahon sino na ang uupo sa silya upang kwentuhan tayo sa mga kaganapan noon na kung saan maraming mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay upang makarating tayo ngayon sa makabagong panahon na bunga ng kanilang pagsisikap.

Kaya naman layunin ni The MAJ Back ang balikan ang mga kasaysayan at kwento ng mga Bangsamoro Warrior (JIHAD FISABILILLAH) upang masariwa ng mga makabagong kabataan ang mga ala-ala at naiambag ng mga Bayaning Moro.

Halina't samahan niyo kami sa pangangalap ng mga impormasyon, kaganapan, at pangyayari na maaaring nilimot na ng panahon.


Tayong mga Pilipino ay kilala tayo bilang relihiyoso simula ng dumagsa ang mga dayuhan sa ating bansang Pilipinas. Unti-...
12/12/2021

Tayong mga Pilipino ay kilala tayo bilang relihiyoso simula ng dumagsa ang mga dayuhan sa ating bansang Pilipinas. Unti-unti natin nakilala ang kanilang kultura, tradisyon, maging ang kanilang relihiyon na kong saan doon tayo naakit, ang kilalanin ang kanilang paniniwala. Mula sa mga Espanyol, Tsino, Hapon at maging ang mga Arabong mangangalakal na Muslim na sila ang kauna-unahang g**o nating mga Pilipino.

Mula ng dumating ang mga Arabong mangangalakal sa ating bansa itinuro nila sa atin ang pagbasa, pangangalakal, matinong pinuno, tamang proseso ng pagdarasal at maging ang kinikilala nilang nag-iisang diyos na si Allah. Sa mga kapatid nating mga Muslim ay mainam sa kanila ang pagdarasal ng limang beses sa isang araw at mas mainam sa kanila kung isinasagawa ito sa BAHAY DASALAN.

Noong 1380 C.E. dumating si Al-Akbar Ibn Jamalud-Din Al-Husayni o Sharif Karim Ul-Makdum na mas kilala bilang Sharif Makdum sa Pilipinas. Siya ay ama ni Maulana Ibrahim na isang tanyag na mamahayag ng relihiyong Islam sa Java (Died, 1419 C.E.).

Si Sharif Makdum (Sharif Awliya or Sayyid Un-Nikab Aminullah) ay isang Arabong Sufi at misyonariyong Muslim na galing sa Arabia na dumaan sa Malacca. Ipinanganak siya sa Makdonia at kabilang sa grupong Kubrawi Hamadani Shafi Da'wa Missionary noong 14th Century C.E..

Siya'y lumapag sa katimugang Pilipinas sa Julo bilang isang mangangalakal at kasama niya ang mga Chinong Muslim na mga mangangalakal (accd. to Cesar Adib Majul). Bagamat ang layunin niya lang ay ang pangangalakal sa mga taong mahirap, payak at marangyang pamumuhay na kung saan pantay-pantay ang kanyang serbisyo sa mga ito.

Siya rin ay may angking kagandahang loob, may natatanging busilak na puso at katapatan sa bawat nakakasalamuha niya. Bawat bigkas ng kanyang labi ay may lamang katotohanan na umaangkop sa aspeto ng pamumuhay na nakabasi sa katuruan ng Islam.

Dahil sa mga angkin niyang katangian hindi kataka-taka na may makumbinsi siyang "Magbalik Islam" o yakapin ang kanyang paniniwala na wala ng iba pang Diyos na dapat sambahin kundi si Allah lamang.

Siya'y nagtagal sa Pilipinas at nagpatayo sila ng Bahay Dasalan (Mosque) sa Tubig-Indangan sa Simunol Island Tawi-tawi noong 1390. Ang Mosque din iyon ay ang kauna-unahang Bahay Dasalan o pinakamatandang Mosque sa Pilipinas sa panahon ngayon. Ayon mismo sa ibang mga mananaliksik ang kapanganakan daw ng Relihiyon Islam sa Pilipinas ay sa taong ito.

Si Sharif Makdum ay namatay sa Pulong Sibuto, Lalawigan ng Tawi-tawi at matatagpuan ang kanyang puntod sa Bud Agad sa Sulo.

Kaya naman taon-taon nilang ipinagdiriwan ang araw ng kayang pagdating at tinawag nila itong " Anniversary of the coming of Karim'ul Makhdum.".

Noong 2005 ang Governor of Autonomous Region in Muslim Mindanao nasi Zaldy Ampatuan ay humingi ng tulong sa Philippine government, Saudi Arabia, at iba pang Muslim Countries na Ayusin at gawing religious tourist spot in South ang "Shiek Karimal Makdum Mosque".

Ang salitang "Makhdum" ay may kahulugan na "Master" sa Arabic.

Ang kanyang kontribusyon sa Pilipinas ay isang yaman na kailan man ay hindi mabubura sa mga History ng Pilipinas at magiging batayan ng buong mundo na ang unang dumayong Relihiyon sa Pilipinas ay ang Relihiyong Islam.

---------------------------------------------
R E F E R E N C E S. https://annazeldaelise.blogspot.com/2021/04/karim-ul-makhdum-notable-achievements.html?m=1 https://en.m.wikipedia.org/wiki/Makhdum_Karim

02/11/2021

Ating pakinggan ang tunay na kwento sa likod ng digmaan noon na idinaan sa isang kanta.

“ninang, ninong hayaan n'yo ninong, hayaan n'yo ninong ang isa, hayaan niyo ninong ang isa sa anak ninyo na maki-isa sa landas ng Allah”

Ang mga G**o ay pumapangalawang magulang ng isang Bata. Sila rin ay isa sa mga nagbibigay ng liwanag na kaalaman sa bawa...
24/10/2021

Ang mga G**o ay pumapangalawang magulang ng isang Bata. Sila rin ay isa sa mga nagbibigay ng liwanag na kaalaman sa bawat mag-aaral para mapagtagumpayan ang kanilang kinabukasan.

Sa taon 1240 A.D ay laganap na ang mga Arabong mangangalakal sa Pilipinas. Nagbibinta sila ng mga produktong mamahalin ang itsura pero mura nila itong binibenta sa mga taong Animist.

Ang mga Animist ang ating mga ninuno noon, na ang kanilang sinasamba ay bato, apoy, kahoy, hayop, araw, at marami pang mga bagay na sa tingin nila ay magbibigay sa kanila ng kahimalaan at kaginhawaan.

Sa taon iyun ay salat sa kaalaman ang ating mga ninuno kaya naman masasabi natin na ang kanilang pamamalakad sa kanilang nasasakupan ay di-gaanong kaaya-aya. Nang nagsidatingan ang mga Arabong mangangalakal mula sa bansang sultanato Kapuluan ng Malay ay unti-unting kuminang ang mga pilak, bato, ginto na dati ay animoy walang silbi sa kanila.

Bagamat may mga dayuhang Arabo na napadpad sa Maimbong Sulu sa pangunguna ni Tuan Masha'ika. Kanilang nadatnan ang mga katutubo na nagsasanay ng animismo na nakatira sa maliliit na autonomosong mga pamayanan na ang tumatayung Raja sa lugar na yun ay si Raja Sipad. Dahil sa taglay na kabutihan at kabaitan ni Raja Sipad tinanggap nila ang kanilang mga panauhin na animoy mga kaybigan.

Sa tagal na pananatili nila Masha'ika sa lugar na iyun ay nakitaan ng mga taganayon na si Masha'ika ay may busilak na kalooban at pagmamahal sa kanila dahil doon naging maayos ang pakikitungo ng taga nayon sa kanila at dahilan na nabihag niya ang puso ni Idda Indira Suga na anak na babae ni Raja Sipad. Kaya naman kanya itong pinakasalan at sila'y biniyayaan ng dalawang anak na lalaki at isang babae.

Ang kanilang mga Anak ay pinangalanan nilang Aisha ang babae, Tuan Hakim, Tuan Pam ang dalawang lalaki. Si Tuan Hakim ay nagkaroon ito ng mga anak na pinangalanan niyang Tuan Daim, Tuan Buda, Tuan Bujang at Tuan Muku at isang babae.
Kapansin-pansin ang kanilang mga ngalan ay alinsunod sa mga pangalang ng Islam o Muslim.

Dahil sa taas ng kanilang katayuhan at kaalaman mula sa pananalapi at katuruan sa Islam ay hindi lingid sa ating lahat na naabot nila ang respeto mula sa kanilang nasasakupan.

Kaya naman unti-unti nilang ipinakilala ang mga katuruan at kautusan ng Islam na walang sapilitang nangyari at walang ni isang dugong dumaloy sa panahon na iyun. Kaya hindi mahirap sa kanila na nakapagpatayo sila ng isang bayan na ang kinikilalang diyos ay kung hindi ang nag-iisang diyos na si Allah.

Sa makatuwid ang pangalan na Masha'ika ay hango sa "Masha-ikh" na galing sa salitang "Mu'min" na ang plural name ay "Mu'minin" na ang kahulugan ay "Faithful or Believer". Sa bansang South Arabia ang pangalan na Masha-ikh ay para sa mga "pious men" or "religious leaders" na galing sa "sayyid" or "sharif" na galing sa angkan ni Muhammad S.A.W.

Links:

https://www.persee.fr/doc/arch_0044-8613_1981_num_22_1_1677

https://www.google.com/amp/s/historyofsulu.wordpress.com/2014/08/17/descendants-of-tuan-mashaika/amp/

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1350605428404432&id=1247415605390082

DU'A OF THE DAYDU'A FOR VISITING THE GRAVEالسَّلاَمُ عَلَيْكُمْ أَهْلَ الدِّيَّارِ، مِنْ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُسْلِمِيَن...
15/10/2021

DU'A OF THE DAY

DU'A FOR VISITING THE GRAVE

السَّلاَمُ عَلَيْكُمْ أَهْلَ الدِّيَّارِ، مِنْ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُسْلِمِيَن، وَإِنَّا إِنْ شَاءَ اللَّهُ بِكُمْ لَاحِقُونَ، وَيَرْحَمُ اللَّهُ الْمُسْتَقْدِمِينَ مِنَّا وَالْمُسْتَأْخِرِينَ أَسْأَلُ اللَّهَ لَنَا وَلَكُمُ الْعَافِيَةَ

Assalaamu 'alaykum 'ahlad-diyaari, minal-mu'mineena walmuslimeena, wa 'innaa 'in shaa' Allaahu bikum laahiqoona [wa yarhamullaahul-mustaqdimeena minnaa walmusta'khireena] 'as'alullaaha lanaa wa lakumul- 'aafiyata.

Peace be upon you, people of this abode, from among the believers and those who are Muslims, and we, by the Will of Allah, shall be joining you. May Allah have mercy on the first of us and the last of us, I ask Allah to grant us and you strength.

Muslim 2/671, Ibn Majah 1/494, Muslim 2/671.

Instagram Link:
https://www.instagram.com/p/CVDfckABmtN/?utm_medium=copy_link

13/10/2021

Credit to the Owners

SHEIKH SALAMAT HASHIM, the son of Bai Mataglaga (Mamotalaga) and Datu Hashim, was born on July 7, 1942 in the Municipality of Pagalungan, Cotabato. He came from a religious family of Seven. A learned fellow both in Western and Islamic Education.

"Known but to a few, Salamat was one of the responsible persons for covertly arranging the military training of the first batch of cadres (famously known as Top 90) that was to become the military core group of the Moro National Liberation Front. Working with some prominent political leaders in that era such as Sultan Rashid Lucman and Salamat's Uncle Datu Udtog Matalam, Datu Salipada Pendatun, Hadji Datu Abubakar Pendatun and many notable leaders."

Salamat laid the groundwork for the organization of the Bangsamoro armed struggle.

As Deputy/Vice Chairman of MNLF he was the one who drafted the letters sent to prominent Muslim leaders informing the World of what was happening in the Southern Philippines in the late 60's and early 70's- the mass killings and genoicide to innocent Muslims by Christian militia. One of the few leaders who responded was Libya's strongman Muamar Ghaddafi.

With threat of Oil Embargo from oil-producing Muslim countries, the Republic of the Philippines was forced to deal with the Moro separatist group starting in 1975.

After a few months or so.. the Tripoli Agreement was materialized.

(..and the rest is History!)

Pakasorgaan na Allah (S.W.T) so Lukes ame a malimo. Allaho Yarhamu.

Links Source:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=614389209198260&id=255202945116890

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=261198000908740&id=100010556262067


Address

Sultan Kudarat

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The MAJ Back posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to The MAJ Back:

Shortcuts

Share