29/03/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating butihing Barangay Council sa pangunguna ni Kapitan Marvin Martinez at mga Kagawad - Kagawad Cris Mayor, Kagawad Cherilyn Jane Inoc , Kagawad Valera, at Kagawad Roberto Garcia sa kanilang pagdalo sa ginanap na Moving Up Ceremony at pagbibigay ng sorpresang mga laruan na lubos na nagbigay ng kasiyahan sa mga batang nagsipagtapos sa day care.
Taos puso din po ang aming pasasalamat sa pagbibigay ng tulong pinansyal mula kina Kagawad Roberto Garcia , Kagawad Bernard Valera , Kagawad Cherilyn Jane Eras Inoc at Kagawad Vicky Sanchez para sa pang-meryenda ng mga bata, panauhin at mga Child Development Workers sa araw ng Moving Up Ceremony.
Maraming Salamat po sa inyong taos pusong pagsuporta sa mga programa ng Day Care!β€