10/08/2026
📢 Announcement: Online Classes for tomorrow
🗓️ August 11, 2026 (Tuesday)
NO FACE-TO-FACE CLASSES
Mga anak, shift to Alternative Learning Modality muna ulit para sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, bukas, Martes, August 11, dahil pa rin sa nararanasang sama ng panahon dulot ng Habagat.
Bagama't walang face-to-face classes, tuloy pa rin ang pagkatuto sa pamamagitan ng alternative learning modalities na ipatutupad ng inyong mga paaralan.
Ibayong pag-iingat, mga Baliwagenyo!