18/09/2025
🌱 Isang Sama-samang Hakbang para sa Kalikasan at Kinabukasan! 🇵ðŸ‡
Ngayong Setyembre 18, 2025, buong puso ang pakikiisa ng Barkada Kontra Droga – Agusuhin High School sa isinagawang Tree Planting Activity na may temang: "Kawayan: Kalikasan, Kabuhayan, Kaunlaran sa Kinabukasan para sa Bagong Pilipinas."
Kasama ang Supreme Student Learner Government (SSLG), Youth for Environment in School-Organization (YES-O), Philippine Navy, at Barangay Cawag, sama-sama nating itinanim hindi lamang kawayan, kundi pag-asa para sa isang mas luntiang kinabukasan.
Ang bawat punla ay simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at paninindigan—isang panata ng kabataan at komunidad na maging tagapangalaga ng kalikasan at tagapagtaguyod ng kaunlaran.
💚 Kalikasan ang pundasyon, kabuhayan ang bunga, at kaunlaran ang direksyon—para sa Bagong Pilipinas! 💚
🌿🇵ðŸ‡