20/07/2026
๐ฝ๏ธ๐จโ๐ณ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐จโ๐ณ๐ฝ๏ธ
๐ฅ๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ - ๐๐๐ฐ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ
Isang taos-pusong pagbati sa aming masisipag at mahuhusay na kinatawan ng CAWAG II CHILD DEVELOPMENT CENTER na sina Rose Anne, Jenalyn, at Princess sa kanilang ipinakitang husay, dedikasyon, at pagtutulungan sa Master Chef Cawag Barangay Cooking Contest!
Sa Mystery Box Challenge, hindi alam ng mga kalahok kung ano ang kanilang lulutuin. Mayroon lamang silang 2 oras upang makagawa ng isang masustansya, masarap, at malikhaing putahe gamit lamang ang mga sangkap na nasa loob ng Mystery Box.
Sa kabila ng hamon, nakalikha sila ng isang natatanging Chicken Picadillo na walang tomato sauce. Sa halip, purong katas ng sariwang kamatis ang kanilang ginamit upang makuha ang natural na lasa at linamnam ng kanilang putahe. Tunay na ipinakita nila na ang pagkamalikhain at tamang pagtutulungan ay kayang lumikha ng isang masarap at masustansyang pagkain!
Lubos po kaming nagpapasalamat sa ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ ๐๐๐ฐ๐๐ sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito, lalo na sa aming ๐๐๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ง ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐ง ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐ง๐๐ณ, sa patuloy na pagsuporta sa mga gawaing nagpapalakas ng samahan, talento, at kaalaman ng ating komunidad.
Muli, congratulations sa lahat ng mga kalahok mula sa iba't ibang Child Development Centers ng Cawag! Lahat kayo ay tunay na panalo sa ipinakitang sipag, galing, at pagmamahal sa pagluluto!
๐ CAWAG II CHILD DEVELOPMENT CENTER
"Sama-sama sa paghubog ng mas malusog, mas masaya, at mas matatag na komunidad."