19/09/2026
🌊 SCHOOL-BASED INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP DRIVE 2026 🌊
📍 Aplaya, Sitio Matang-ib, Cawag, Subic, Zambales
Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 470, s. 2003 at BSP National Office Memorandum No. 98, s. 2026, matagumpay na nakiisa ang Nagyantok Elementary School sa pandaigdigang panawagan para sa pangangalaga ng ating mga karagatan!
Nagsimula ang aktibidad sa isang maikling orientation ukol sa safety at proper waste segregation, na sinundan ng mismong paglilinis ng dalampasigan at waste audit. Ang mga nakolektang basura ay maayos na pinagsama-sama at inilagay sa tamang lagayan ng mga basura.
Ang nasabing aktibidad ay naganap sa Aplaya, Sitio Matang-ib, Cawag, Subic, Zambales na isang fishing community na ang hanap-buhay ng mga mamamayan dito ay pangingisda at ang mga anak ng ating magigiting na mga mangingisda ay mga mag-aaral sa ating paaralan.
Taos-pusong pasasalamat sa ating:
🔹 Grade 4 to 6 Registered Boy Scouts & Scout Leaders
🔹 SPTA Officers at Parent Volunteers
🔹 School Administration & Teachers sa pangunguna ng ating butihing School Head, Madam Anna Liza M. Napos
Ang simpleng hakbang ngayong araw ay malaking tulong para sa mas malinis at mas ligtas na kinabukasan ng ating kabataan at karagatan. Mabuhay ang Boy Scouts of the Philippines! Mabuhay ang mga Batang Iskawts ng Nagyantok Elementary School, Ramon Magsaysay Zambales Council 🇵🇭⚜️