04/09/2021
Paalala po mula sa Aridowen Elementary School
Ang pagkatuto ay patuloy po. Hindi po hadlang ang pandemya sa ating mga anak upang makapag-aral. Simula na po ang pasukan sa September 13, 2021.
Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa mga mahal na magulang:
1. Ihanda po ang ating mga anak sa nalalapit na pasukan. Sabihin po sa kanila na magsisimula na ang klase sa pamamagitan ng Modular Learning.
2. Kahit hindi po face to face, dapat regular din po ang gising ng mga bata at nasa tamang oras ang pagsagot sa mga modules. Sundan po ang Home Learning Plan na ibibigay po sa mga anak natin.
3. Sikapin pong makapaghanda ng maayos na lugar-aralan ng mga anak upang maging maginhawa ang gagawing pag-aaral. Ihanda rin ang kanilang mga kagamitang panulat, pangguhit, pangkulay at iba pang pangangailangan upang maramdaman nila ang kasiyahan sa kanilang pag-aaral.
4. Sa pagsagot po ng modules, hayaan po natin ang ating mga anak ang sasagot. Maaaring matulungan natin sila na magbigay paliwanag sa mga aralin.
5. Gabayan ang mga anak na gawin ang modules/activity sheets sa takdang araw upang hindi po matambakan ng gawain.
6. Sumali at bisitahin lagi ang Group Chat upang malaman ang mga update ng g**o.
7. Alamin ang CP number ng Grade Level Adviser para sa alternatibong pagtanong sa mga hindi gaanong naiintindihan o pagtugon sa mga kailangang gawin tungo sa mas maayos na pagkatuto.
8. Nasa pagtutulungan po natin ang ikatututo ng mga bata. Muli, ay kakayanin natin ito. Mahirap, ngunit para sa mga bata ay babalikatin natin ito.
Keep safe. Keep strong for our children's future!
God bless you.