27/04/2026
Wag Mong i-asa sa "Sana." tupadin mo sa "Gawa."
Aminin natin: Mahilig tayo sa "Sana."
"Sana pumayat ako." (Habang kumakain ng pangatlong rice.)
"Sana yumaman ako." (Habang naghihintay lang manalo sa lotto.)
"Sana maging healthy ako pagtanda." (Habang laging puyat at walang exercise.)
Pero eto ang truth bomb for today: sabi nga ni Jim Rohn "Your life does not get better by chance, it gets better by change."
Hindi ka gigising bukas na biglang fit ang katawan mo kung hindi mo binago ang kinakain at lifestyle mo ngayon. Parang sa pera lang 'yan, hindi ka gigising sa retirement mo na biglang may "Millions" sa bangko kung wala kang binago sa pag-gastos at pag manage ng finances mo.
Health and Finance are twins. Pag pinabayaan mo ang isa, damay ang isa. Pag na-ospital ka, butas ang bulsa. Pag butas ang bulsa, stress ang katawan.
Kaya dapat simulan mo na ang pagbabago ngayon. Hindi naman kailangan biglaan ang pagbabago! Start small or start slow, but consistent.
Sa Health:
✅ The One-Glass Rule: Uminom ng isang basong tubig bago kumain. Para busog ka na sa tubig, hindi sa extra rice.
✅ The 10-Minute Walk: Hindi mo kailangan mag-Marathon agad. Simulan mo sa simpleng lakad-lakad o walk in the park para makalanghap din ng sariwang hangin.
✅ The Sleep Investment: Kesa mag-scroll sa social media hanggang 2 AM, itulog mo na 'yan. 7-8 hours of sleep is the best "repair" for your body.
Sa Finance:
✅ Abundance Formula: Give 10% for Tithe (pagbabahagi ng biyaya), Save 20% for Investment (pag-aalaga sa future self mo), at pagkasyahin ang 70% for your lifestyle.
✅ The Expense Tracker: I-monitor ang bawat perang lumalabas at magugulat ka sa kaka-online purchase mo investment na pala sana.
✅ The Shield First: Bago mag-invest sa "get rich quick," unahin ang Healthcare at Protection.
Ang tawag dyan, Compounding Effect. Ang maliit na pagbabago ngayon, magiging dambuhalang blessing pagdating ng panahon.
Change is hard at first, messy in the middle, but glorious at the end.
Wag mong hintayin ang "Swerte." Simulan mo na ang "Change."
Message "CHANGE" in the comment section kung gusto mo na ng pagbabago sa buhay mo.