Magandang araw po sa ating lahat!
Sa ngalan po ng General Alumni 2026, kami po ay taus-pusong nagpapasalamat kay Ester Hamor sa kanyang walang sawang suporta at kabutihang loob para sa ating programa ngayon.
Maraming salamat po, Mayor Ester Hamor, sa inyong pagbibigay ng sponsorship para sa ating raffle prizes na tunay namang nagbigay saya, excitement, at dagdag na inspirasyon sa lahat ng alumni na naririto ngayon. Ang inyong suporta ay malaking tulong upang maging mas matagumpay at mas makabuluhan ang ating pagdiriwang.
Hindi lamang po kayo naging katuwang sa programang ito, kundi naging inspirasyon din kayo ng pagkakaisa at pagbibigayan para sa ating komunidad.
Muli, mula po sa puso ng bawat miyembro ng General Alumni 2026 — maraming maraming salamat po, Mayor Ester Hamor. Nawa’y patuloy pa po kayong pagpalain at bigyan ng lakas upang makapaglingkod sa mas marami pa nating kababayan.
Isang malakas na palakpakan po para kay Mayor Ester Hamor! 👏🎉
Abuyog NHS Alumni 2026
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Abuyog NHS Alumni 2026, School, Abuyog, Sorsogon.
RAFFLE❗️
27/05/2026
MECHANICS and CRITERIA for ANHS ALUMNI GOT TALENT 2026 and MR. & MS ANHS ALUMNI GOT TALENT
COME and JOIN US❗️
Ready napo….
Sa kupas na larawan, tila humihinga pa rin ang nakaraan— bawat ngiti, bawat titig, bakas ang aming pagiging “first year” sa Abuyog National High School.
Mga batang kabado ngunit puno ng pangarap, piniling maniwala sa sarili. Sa Division Speech Choir Competition 2005, sa gabay ni Gng. Rosalinda L. Lato, niyakap namin ang Casey at the Bat— hindi lang sa isip, kundi sa puso. May pagod, may tawanan, may takot.
At sa araw ng laban, kahit kami ang pinakabata, hindi kami umatras. Sa entablado, ibinuhos namin ang lahat.
At sa huli… kami ang nagkamit ng unang puwesto.
Ngunit hindi iyon ang pinakamatinding alaala.
Kundi ikaw, John Ranie, ang lider na naging lakas naming lahat.
Para sa’yo ito, Ranie. Hindi ka namin nakakalimutan. Ikaw ang nagpanalo sa ating pangkat… 🥺
21/05/2026
DLC (ANHS) practiced for the upcoming GENERAL ALUMNI on May 28, 2026…
🎤✨ ALUMNI GOT TALENT 2026 ✨🎤
Handa na ba kayong ipakita ang inyong talento? 🎶💃🕺🎭
Inaanyayahan namin ang lahat ng batch na makiisa at makilahok sa pinakaabangang patimpalak ng ating General Alumni!
📅 Date: May 28, 2026
📍 Venue: Abuyog
🎉 Open para sa lahat ng batch!
Ipakita ang husay sa pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at iba pang natatagong talento! Ito na ang pagkakataon upang muling magsama-sama, magkaisa, at magbigay saya sa ating alumni celebration. ❤️
Tara na at suportahan ang ating mga kalahok!
See you there mga ka-Alumni! 🎊
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Abuyog
Sorsogon
4700