12/12/2025
๐น๐๐๐๐ ๐๐ ๐ช๐ป๐ฝ๐บ ๐ป๐๐ ๐ฉ๐๐๐, ๐พ๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐
๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐บ๐ท๐ช 2025
Casiguran, Sorsogon โ Isang makulay at emosyonal na tagpo ang nasaksihan sa Casiguran Gymnasium noong Disyembre 12, 2025, nang mag-uwi ng gintong medalya si Kristina Cassandra Roble, isang mag-aaral mula sa Casiguran Technical Vocational School (CTVS), sa kategoryang Pagsulat ng Kolumn sa Ingles sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) 2025.
Sa harap ng humigit kumulang na 2000 na mga mamamahayag at mga tagapagsanay mula antas elementarya at sekondarya sa buong Sorsogon, ipinamalas ni Roble ang kanyang kahusayan at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Matapos ang isang masusing pagsusulit at paghahanda, natamo ni Roble ang unang gantimpala sa kategoryang Ingles.
Ang kanyang tagumpay ay isang hakbang patungo sa mas mataas na layunin โ ang magtagumpay hindi lamang sa lokal na antas kundi pati na rin sa rehiyonal at pambansang yugto ng pamamahayag.
Bilang nagtamo ng unang gantimpala, si Roble ay awtomatikong sasabak sa Regional Schools Press Conference (RSPC) 2026, kasama ang iba pang nanguna sa kompetisyon.
Ang mga mag-aaral ng CTVS ,The Beam/Ang Parola ay patuloy na magsisilbing mga modelo ng kahusayan at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag.Itoโy isang makasaysayang panalo para sa CTVS at isang patunay na nasa kabataan ang lakas at talino ng pamamahayag.
โ๏ธ C.A. Reyes | Editor-in-chief
๐ผ๏ธ C.A. Reyes | Editor-in-chief