28/12/2025
Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot sa lahat ng Ambrosian na naging bahagi ng Alumni Homecoming 2025.
Mula sa banal na Misa at makulay na Parada hanggang sa iba’t ibang programa at kasiyahan, naging masaya ang lahat, puno ng ngiti at alaala na mas nagpatibay sa pagkakaisa.
Sa temang “Pagturupar sa Kapaskuhan para sa Pagkasararo asin Kaogmahan”, muling napatunayan ang buhay na espiritu ng pagmamahalan at bayanihan sa ating komunidad, na siyang naging susi sa tagumpay ng pagdiriwang na ito.
Lubos na pasasalamat ang ipinaaabot sa mga naging pangunahing katuwang ng programa sa pangunguna ni Sir Alvin Jerus AJLES Principal, kasama sina Mam MamTess Rjnk , Sir Rico Estur , Kap Noli Janolan, Juanas Dancer, at DLC Blue Ambrose (AJLES), Ma. Lerio Pajermo, SPTA President, gayundin sa lahat ng naging bahagi ng paghahanda at aktuwal na pagdiriwang.
Taos-puso ring pinasasalamatan ang mga sponsors, mga batch, at mga alumnus na kusang-loob na nagbigay ng suportang pinansyal at moral upang maisakatuparan ang isang makabuluhan at matagumpay na homecoming.
Pagpupugay rin sa AJLES Alumni Association, sa pangunguna ni Joan Jarlego, kasama ang mga opisyal na sina Antonio Laguidao , Mam Monica Dorol Derilo Janet Janeth Jaymalin, Mhie Gutierrez Fuenzalida ,Misty Agnes, at Canar Kathy. Isang espesyal na papuri naman ang iniaalay sa ating Masters of Ceremonies, sina Mam Au Ducay Nicolas at Sir Ian, na nagbigay sigla at kaayusan sa buong programa.
Ang AJLES Alumni Homecoming 2025 ay isang tunay na memorable at successful na pagdiriwang. Daghang salamat at kudos sa gabos.
Mabuhay ang AJLES Alumni! God bless us all.
Maligayang Pasko at Masayang Bagong Taon sainyong lahat!