24/04/2026
Congratulations Riza..Manlabong NHS is so proud of you!
Secondary School
24/04/2026
Congratulations Riza..Manlabong NHS is so proud of you!
📢 ANUNSYO!!
📍Ang Department of Education (DepEd) – Sorsogon ay naghahanap ng mga kwalipikadong indibidwal para maging ARAL Tutors para sa nalalapit na ARAL Summer Program.
📌 Sino ang maaaring mag-apply?
Maaaring kabilang sa mga aplikante ang sumusunod:
• Internal teacher-tutors
• Mga aplikanteng nakalista sa Registry of Qualified Applicants (RQA) ngunit hindi pa naihahire
• Mga college students na kasalukuyang naka-enroll sa Teacher Education programs
• Mga retiradong g**o
📌 Mga Kwalipikasyon:
Ang mga aplikante ay dapat sumunod sa mga itinakdang pamantayan at requirements ayon sa DepEd Memorandum No. 001, s. 2026.
📌 Layunin ng Programa:
Ang ARAL Summer Program ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagbasa, pagsusulat, at pagbilang sa pamamagitan ng gabay ng mga dedikadong tutor.
âś…Mag-apply na!
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong aplikante na magsumite ng kanilang aplikasyon at maging bahagi ng programang magpapalakas sa edukasyon ng kabataan.
âś…Ang mga nais mag-apply ay maaaring magsumite ng kanilang application sa aming tanggapan sa MANLABONG NATIONAL HIGH SCHOOL simula bukas, Abril 22, 2026.
đź’šMaraming Salamat po!
30/03/2026
Congratulations to Batch 2026
13/02/2026
Lubos na nagpapasalamat ang Manlabong National High School sa pangunguna ni Ma’am Ma. Anna N. Dejucos katuwang ang Local Government Unit of Prieto Diaz at Sorsogon Provincial Government sa matagumpay na pamamahagi ng mga school uniform, school supplies, at payong para sa lahat ng ating mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12.
Ang inisyatibong ito ay hindi lamang simpleng pamimigay ng kagamitan, kundi pagpapakita ng malasakit at suporta sa edukasyon ng ating mga kabataan. Malaking tulong ito upang mabawasan ang gastusin ng mga magulang at masig**o na ang bawat mag-aaral ay may sapat na gamit na kailangan sa kanilang pag-aaral.
Nawa’y magpatuloy pa ang ganitong mga makabuluhang proyekto para sa ating mga mag-aaral.
Salamatunon po!
Dios mabalos!
20/01/2026
Ang pamunuan ng Manlabong National High School sa pangunguna ni Maam Ma Anna N. Dejucos ay lubos na nagpapasalamat sa agarang aksyon ng Manlabong Brgy Council sa pamumuno ni Kap. Gilbert D. Ayo, kasama sina Education Committee chairman at Kgd. Jonathan Diezmo, Kgd. Rex Dipad at Brgy Tanod Benjamin Donor. Agad na tumugon ang mga nasabing barangay officials upang siguruhing ligtas at hindi na muling mapapasok ng mga magnanakaw ang ating school canteen.
Kasabay nito, ipinapaalam din sa lahat na IPINAGBABAWAL na ng pamunuan ng MNHS ang pagdaan ng mga OUTSIDERS sa loob ng school campus. Gayundin ang paglalaro o pagtambay ng mga kabataan, estudyante man ng MNHS o hindi, tuwing pagkatapos ng klase, weekends, o holidays.
Ito ay upang mapangalagaan at masig**o ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga g**o at mag aaral.
Ganun din ang pag aari at kagamitan, na maingatan sa loob at labas ng ating paaralan.
Muli, maraming salamat sa Manlabong Brgy Council!
14/01/2026
1st day of training for Bread and Pastry Production - TESDA NC II of Grade 12 TVL students at Manlabong NHS as part of the DepEd's Joint Delivery Voucher Program (JDVP) for the SY 2025-2026. Congrats and keep up the good work!
Partner Institution: SLMCSI - GUBAT CAMPUS
Trainer: Sir Mark Gile
Cooperating Teacher / JDVP Focal Person: Sir Bernard Feolino
Thank you so much for this opportunity:
13/01/2026
Taos-pusong pasasalamat para sa isa nating alumna na si Ms. Liza Elpos ng Talisayan, Prieto Diaz, Sorsogon sa pagdonate ng dalawang pares ng badminton racket para sa ating paaralan. Malaking tulong ito para sa pagsasanay ng ating aspiring athletes ng badminton.
Salamatunon asin Dios mabalos po!
20/09/2025
20/09/2025
Honoring our past,celebrating our present and shaping our future...
Years may pass,but our founding VALES remain TIMELESS..
We, the faculty and staff are sincerely grateful to all the persons who supported our 39TH FOUNDATION ANNIVERSARY.
Pto Diaz NHS Drum &Lyre ,Camie Bayoca,Pcpt Sergio Paulo F.Jimenez of PNP,Hon Beinvinedo D.Ayo Jr.( Pto DiazMun.Coun) Rafael Ryan D.Bayoca-Head MDRRMO PTO.Diaz Manlabong Brgy Council-Brgy Capt.Gilbert D.Ayo,Kgd.Edwin Dino,Kgd Sonia Dino,Kgd Joel Bayoca,Kgd Jonathan Diezmo,SK Chairman Lemuel Emata, Barangay San Ramon- Kgd. Rodoldo Despolon,Barangay San Antonio-Kgd Aladin Enaje, Brgy Tanod of Brgy Manlabong and San Ramon,Brgy Capt.Melissa Diolata- Brgy Talisayan,PTO DIaz MPS lead by Noel E.Destajo, DCOP, Rey Estipona (Former teacher of MNHS)Parents,SGC,SPTA, stakeholders,alumni and most importantly Hon.Mayor Romeo Domasian - Mun.Mayor of Pto Diaz..Thank you!!! Our celebration is a great success..
15/09/2025
MANLABONG NHS..ARAL PROGRAM KICK OFF..
| Monday | 7:30am - 5pm |
| Tuesday | 7:30am - 5pm |
| Wednesday | 7:30am - 5pm |
| Thursday | 7:30am - 5pm |
| Friday | 7:30am - 5pm |