23/08/2026
Dalawang mag-aaral ng Tawi-Tawi Elementary School ang nagpakitang-gilas sa ginanap na District Schools Press Conference noong Agosto 21, 2026, sa Tuao South Central School, matapos kapwa makamit ang ikaapat na pwesto sa Editorial Cartooning.
Kinatawan ng paaralan ang apat na mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng pamamahayag. Sa Editorial Cartooning – English Category, nasungkit nina Jhaymie Praise C. To-Ong, ang ikaapat na pwesto, habang nakamit naman ni Marah Praise C. To-Ong ang ikaapat na pwesto sa Editorial Cartooning – Filipino Category kapwa silang nasa ikalimang baitang.
Samantala, lumahok din sa patimpalak ang parehong nasa ika-anim na baitang na sila Wilson M. Tinawi, na kumatawan sa News Writing – Filipino Category, at Elrich VinceLee R. Pilo, na lumahok naman sa Feature Writing – Filipino Category.
Ang kanilang paglahok ay nagpapakita ng kanilang talento, sipag, at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Ipinagmamalaki ng Tawi-Tawi Elementary School ang apat na mag-aaral na buong tapang na kumatawan sa kanilang paaralan sa nasabing paligsahan.
Sa pangunguna ng kanilang coach na si Fidela A. Parocha at sa suporta ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ng kanilang School Head na si Gng. Emma Jane O. Reyes, patuloy na hinahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral upang maging mahusay na manunulat at mamamahayag.
Isang tagumpay na maipagmamalaki—hindi lamang para sa mga nagwagi, kundi para sa lahat ng mag-aaral na buong tapang na lumahok at kumatawan sa paaralan.