10/10/2024
https://www.facebook.com/share/p/sH9zWTFEfoCf6yfw/
HIGHLIGHT
Niluwal upang maging tagapaglingkod. Hinubog ng karanasan upang maging hinog. Pagmamahal sa propesyon ang labis niyang iniirog. Puso'y laan sa sinumpaang tungkulin bilang isang manghuhubog.
Siya ay kilala sa pangalang Rachel Gabanes Ramiro. Isang lokal ng Uddiawan. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 9,1970 at kasalukuyang
limampu't-apat na taong gulang.
Ang g**ong tampok natin sa araw na ito ay masasabi nating beterana na sa larangan ng pagtuturo. Sa makatuwid, sa dalawampu't-apat na taon ng kanyang serbisyo sa Kagawaran ng Edukasyon, labing-apat na taon na ang kanyang ginugol para sa batang Uddiawaeño.
Siya ay isa sa mga dekalidad na g**o at kasalukuyang may hawak ng isang seksyon ng ikatlong baitang ng Uddiawan Elementary School . Isa din siyang dekalibreng tagasanay ng mga bata sa iba't-ibang larangan. Kaya nga sa kasalukuyan ay hindi na mabilang ang kaniyang mga naipanalong mga patimpalak. Siya din ang pangunahing gabay ng Ang Sinag, ang opisyal na online publication ng paaralan.
"To teach and touch lives forever." Iyan nga ang motto sa pagtuturo ni Gng. Ramiro. Ayon sa kanya, hangga't kaya pa niya, siya ay taos pusong magbibigay ng serbisyo para sa bata, para sa bansa.
Saludo kami sa iyong dedikasyon Madam Rachel! MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO!
Nawa ay biyayaan pa kayo ng Poong Maykapal ng mas mahabang buhay, malusog na katawan at siksik, liglig at umaapaw na biyaya!
Nais mo bang magpaabot ng iyong mensahe para kay Madam Rachel? Comment down below! ⬇️⬇️⬇️😉💐