CSU Solana Campus Clinic

CSU Solana Campus Clinic Committed to a healthy and safe learning environment through responsive and compassionate healthcare services. ๐ŸŒฟ

30/05/2026
28/05/2026
26/05/2026
26/05/2026

Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa HIV upang maprotektahan ang sarili at ang pamilya. ๐Ÿ’–

Maaaring maipasa ng ina sa sanggol ang HIV habang nasa sinapupunan, sa panganganak, o sa pagpapasuso. Ngunit sa pamamagitan ng maagang HIV testing at tamang gamutan, maiiwasan ito.

Maging responsable, magpasuri, at huwag matakot humingi ng tulong. May libreng HIV testing at gamutan sa mga HIV Care Facilities.

25/05/2026

Check Your Neck Para Thyroid Cancer ay Madetect! ๐ŸŽ—๏ธ๐Ÿฉบ

Ngayong International Thyroid Awareness Week, bigyang-pansin ang kalusugan ng ating leeg. Ang maagang pagtuklas ay nagbibigay ng mas mataas na tiyansa upang mapagaling ang thyroid cancer.

Bilang bahagi ng ating healthy lifestyle, simulan natin ang wastong pag-aalaga sa pamamagitan ng:
๐Ÿ”Ž Pagsuri sa leeg para sa anumang bukol, pamamaga, o hirap sa paglunok.
๐ŸŽ Pagkain ng mga pagkaing may iodine at selenium
๐Ÿฉบ Regular na check-up

Huwag balewalain ang mga senyales at komunsulta agad sa pinakamalapit na healthcare worker para sa tamang pagsusuri.

Dahil ang tamang nutrisyon at maagang pagtuklas ay susi sa mas malusog na bukas!






25/05/2026

Ngayong huling linggo ng Mayo, ipinagdiriwang natin ang ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐ก๐ฒ๐ซ๐จ๐ข๐ ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐–๐ž๐ž๐ค at ngayong Mayo 25 ay ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐“๐ก๐ฒ๐ซ๐จ๐ข๐ ๐ƒ๐š๐ฒ!

Huwag balewalain ang mga senyales ng problema sa thyroid. Ang simpleng pagsusuri at maagang pag-detect ay mahalaga upang maiwasan ang komplikasyon tulad ng goiter at sakit sa puso.

โœ”๏ธ Pansinin ang mga sintomas
โœ”๏ธ Magpatingin at magpa-screening
โœ”๏ธ Kumain ng masustansya at gumamit ng iodized salt

Alagaan ang iyong thyroid para sa mas malusog na pangangatawan. Tandaan, ang maagang aksyon ay susi sa mas maayos na kalusugan!

25/05/2026

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป! ๐Ÿ˜ฑ

Huwag magpakampante. Ang regular na pag-monitor ng BP at pag-inom ng maintenance ay mahalaga upang makaiwas sa heart attack at stroke.

Tandaan ang TED para sa malusog na katawan:
โœ… Tamang pagkain
โœ… Ehersisyo
โœ… Disiplina

Huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong primary care provider para sa tamang payo at gamutan.






25/05/2026

โ€ผ๏ธALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON TUNGKOL SA EBOLAโ€ผ๏ธ

Detalye sa comment sa section.

18/05/2026

Ngayong buwan ng Mayo, ating ginugunita ang ๐‡๐ฒ๐ฉ๐ž๐ซ๐ญ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก bilang paalala na ang mataas na presyon ng dugo ay isang โ€œsilent killerโ€ na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon tulad ng sakit sa puso at stroke.

Regular na magpa-check ng blood pressure, kumain ng masustansya, umiwas sa paninigarilyo, mag-ehersisyo, at bawasan ang stress upang mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Ang maagang pag-alam at tamang pangangalaga ay susi sa mas mahaba at mas malusog na buhay.

Address

Iraga
Solana
3503

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CSU Solana Campus Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category