31/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐| ๐๐๐๐๐๐ 31, 2026
Ang ๐ฆ๐ฎ๐ถ๐ป๐ ๐ง๐ต๐ผ๐บ๐ฎ๐ ๐๐พ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ ay buong pusong nakikiisa sa buong bansa sa paggunita ng Araw ng mga Bayani; isang araw ng pag-alala at pagkilala sa mga Pilipinong nag-alay ng kanilang tapang, talino, at sakripisyo para sa bayan.
Sa paglipas ng panahon, nagbago man ang anyo ng ating pakikibaka, nananatiling buhay ang diwa ng kabayanihan sa mga Pilipinong araw-araw na humaharap sa hirap ng buhay, nagtataguyod ng pamilya, at nagsisilbi sa kapwa. Sa gitna ng ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐ป, ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ถ๐๐ฎ, ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ, ๐น๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ด๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐บ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป, sila ang tahimik na nagpapatuloy sa pagbangon ng ating bayan.
Kung noon ay may ๐๐ฎ๐ฝ๐-๐๐ฎ๐ฝ๐ na nanguna sa pagtatanggol sa ating bansa laban sa mga dayuhan, ngayon ay ang ating mga ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ naman ang nagtatanggol sa ating kabuhayan sa pamamagitan ng pagharap sa init ng araw at bagsik ng bagyo upang may maihain lamang sa ating mga hapag-kainan. Kung si ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น ay ginamit ang talino at panulat upang gisingin ang kamalayan ng bayan, ang ating mga ๐ด๐๐ฟ๐ผ naman ang nagpapatuloy ng misyong iyon sa loob ng silid-aralan at minsan pa nga ay ginagamit ang sariling pera para sa kanilang mga mag-aaral. Ang nag-aapoy na diwa at katapangan ni ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ป๐๐ผ๐ป๐ถ๐ผ ๐๐๐ป๐ฎ ay buhay na buhay sa ating mga ๐ฝ๐๐น๐ถ๐ na matatag na nagpapatupad ng batas at nagbabantay sa kapayapaan ng ating mga komunidad.
Ang walang-takot na paninindigan ni ๐๐ฎ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฆ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ay masasalamin sa ating mga ๐ฑ๐ผ๐ธ๐๐ผ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ na nag-aalaga ng buhay, gayundin sa mga ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐ฐ๐น๐ฒ ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ ๐ฒ๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐ฟ na matiyagang sumusuong sa hamon ng lansangan araw-araw. Ang pag-aaruga at katatagan ng ating "Ina ng Katipunan" na si ๐ ๐ฒ๐น๐ฐ๐ต๐ผ๐ฟ๐ฎ ๐๐พ๐๐ถ๐ป๐ผ (๐ง๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ผ๐ฟ๐ฎ) ay patuloy na nabubuhay sa ating mga ๐บ๐ฎ๐ด๐๐น๐ฎ๐ป๐ด na kumakayod araw at gabi. Magkaiba man ang kanilang panahon at laban, iisa ang kanilang layunin: ang magsakripisyo para sa kapwa at maglingkod para sa bayan.
Ngayong Araw ng mga Bayani, ating alalahanin ang mga bayaning humubog sa ating kasaysayan at kilalanin ang mga ordinaryong Pilipinong patuloy na gumagawa ng kabayanihan sa kasalukuyan kung saan taglay nila ang katangian ng isang tunay na bayaning nag-aalay ng buhay at lakas para sa ibang tao.
Mabuhay ang ating mga bayani, noon at ngayon!
@80