08/02/2025
Sa ngalan ng Fortuna National High School, nais naming iparating ang aming pakikiramay at pakikidalamhati sa pamilya at mga mahal sa buhay ng estudyanteng nasangkot sa malungkot na pangyayaring ito. Sa ganitong mga panahon, hinihikayat namin ang lahat na magpakita ng habag, pang-unawa, at respeto sa pamilya ng nasawi.
Nais din naming ipaalala sa publiko na umiikot ang ilang impormasyong hindi kumpirmado at maaaring makasakit o magdulot ng maling pagkaunawa. Hinihiling namin sa lahat na umiwas sa pagpapakalat ng haka-haka, maling impormasyon, at anumang espekulasyon na maaaring makasira sa pangalan ng sinuman.
Ang paaralan ay mahigpit na nakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak na ang tamang hakbang ay ginagawa para sa kapakanan ng lahat. Patuloy naming sisiguraduhin ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad.
Maraming salamat sa inyong pang unawa at pakikiisa.