DepEd Happy Valley High School 306442

DepEd Happy Valley High School 306442 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Happy Valley High School 306442, School, Happy Valley, Socorro.

Happy Birthday, Sir Alvin! 🎉May your special day be filled with joy, blessings, and meaningful moments. Thank you for yo...
24/08/2026

Happy Birthday, Sir Alvin! 🎉
May your special day be filled with joy, blessings, and meaningful moments.

Thank you for your inspiring leadership and dedication. Wishing you continued success and happiness!

God bless always, Sir! đź’š

Congratulations sa ating minamahal na PTA School President, Pres. Leandro Dela Cruz, sa pagkakahalal bilang Public Infor...
24/08/2026

Congratulations sa ating minamahal na PTA School President, Pres. Leandro Dela Cruz, sa pagkakahalal bilang Public Information Officer (PIO) ng PTA Municipal Federation!

Isang karangalan at patunay ng inyong dedikasyon, pamumuno, at malasakit sa ating paaralan at komunidad. Ang HVHS ay buong pusong proud sa inyo! đź’š

Congratulations, President!

August 23, 2026“When we empower the youth, we empower the future”Youth Summit 2026: Mission Accomplished!Matagumpay na n...
24/08/2026

August 23, 2026

“When we empower the youth, we empower the future”

Youth Summit 2026: Mission Accomplished!

Matagumpay na nakiisa at dumalo ang mga SSLG Officers ng ating paaralan sa Youth Leadership Summit 2026 na ginanap noong August 21-23, sa Evea Hotel and Events Place.

Ang bawat sesyon ay napuno ng mga makabagong kaalaman, inspirasyon, at mga kwento ng tagumpay na lalong nag-alab sa kanilang pusong magsilbi.

Sa ganitong klase ng pagtitipon, lumalakas ang boses ng lider-kabataan kapag nagkakaisa at nagtutulungan.

Salamat sa mga speakers at sa kaalamang kanilang ibinahagi. Sa bumubuo ng Kabataang Socorreño, sa pangunguna ng ating SKMF Khen Cedrick M. Ylagan katuwang ang LYDO, Ma’am Jerly L. Agos. Ganun din sa ating HVHS LGU Teachers na sumama sa ating mga kabataan sa loob ng tatlong araw. Maraming salamat!

Handa na silang maglingkod para sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa kabataan!

August 20, 2026Matapos ang ilang araw na tapatan, hiyawan, at walang humpay na laban, natapos na nga ang ating Intramura...
23/08/2026

August 20, 2026

Matapos ang ilang araw na tapatan, hiyawan, at walang humpay na laban, natapos na nga ang ating Intramurals 2026!

Salamat sa lahat ng mga atletang nagbuhos ng pawis at lakas sa laro, sa mga organizers na naging haligi ng event na ito sa pangunguna ni Ma’am Mirasol Manalo at Sir Jay-R Solares. Pati na rin sa walang sawang pagsuporta ng mga mag-aaral ng HVHS. Ipinakita natin na anuman ang kulay, iisa ang tibok ng puso para sa tagumpay.

Hindi lang ito tungkol sa kung sino ang nagkampeon, kundi sa kung paano tayo bumangon sa bawat pagkatalo at paano tayo nagdiwang sa bawat puntos.

Salamat sa memorya, at sa karanasang hinding-hindi malilimutan. Bitbit natin ang aral ng disiplina at sportsmanship hanggang sa labas ng court. Solid ang naging laban natin ngayong taon! 🏅✨

July 28, 2026Bilang bahagi ng patuloy na pagpapa-unlad ng ating paaralan, mayroon na ding School ID ang mga mag-aaral ng...
28/07/2026

July 28, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapa-unlad ng ating paaralan, mayroon na ding School ID ang mga mag-aaral ng Happy Valley High School. Lubos ang kasiyahan ng bawat isa ng matanggap nila ang kani-kanilang ID.

Tandaan: Ang bawat ID ay simbolo ng pagiging bahagi ng ating paaralan at mahalagang gamitin sa araw-araw bilang pagkakakilanlan.

Happy birthday, Ma’am Rose!To the teacher who makes learning feel less like a chore and more like an adventure, may your...
24/07/2026

Happy birthday, Ma’am Rose!

To the teacher who makes learning feel less like a chore and more like an adventure, may your special day be as bright and amazing as the impact you make on your students! We celebrate not only another year of your life, but also the countless lives you continue to inspire. Your passion for teaching and willingness to lend a hand make a difference in our school community.

May this new chapter of your life be filled with abundant blessings, good health, and endless opportunities.

Happy Birthday, Mam! Have a blessed celebration!

July 17, 2026Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng mga serbisyong pang edukasyon, matagumpay na naipamahagi ang mg...
18/07/2026

July 17, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng mga serbisyong pang edukasyon, matagumpay na naipamahagi ang mga school supplies sa mga mag-aaral at mga g**o sa pamamagitan ng School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) Fund.

Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng maayos, responsable, at makabuluhang paggamit ng pondo ng paaralan upang masuportahan ang mga pangangailangan sa pagkatuto at pagtuturo. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at wastong pamamahala ng mga yaman ng paaralan, patuloy nating itinataguyod ang isang ligtas, handa, at dekalidad na kapaligiran para sa edukasyon ng bawat mag-aaral.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapalakas ang dedikasyon sa pag-aaral at pagtuturo tungo sa patuloy na pag-unlad at tagumpay ng bawat isa.

June 29, 2026Bago magsimula ang klase, nagbigay instruksyon ang ating Teacher-in-Charge, Sir Reljem Azanza sa mga class ...
29/06/2026

June 29, 2026

Bago magsimula ang klase, nagbigay instruksyon ang ating Teacher-in-Charge, Sir Reljem Azanza sa mga class adviser na magsagawa ng Bag Inspection alinsunod sa ating DepEd Order no. 6 series 2026 “Safe Space Act”.

Layunin nitong protektahan ang mga mag-aaral at lumikha ng ligtas, inklusibo, at masiglang kapaligiran para sa kanilang pag-aaral.

June 27, 2026Sama-samang naghatid ng tulong at ngiti ang ating mga kawani ng barangay para sa ating binubuong School Can...
28/06/2026

June 27, 2026

Sama-samang naghatid ng tulong at ngiti ang ating mga kawani ng barangay para sa ating binubuong School Canteen.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kgg. Diomedes Maranan, sampo ng kanyang sanggunian. Sa ating Chairman of the Committee on Education, Konsehal Juribel Austria, sa ating Chairman of the Committee on Women, Family, & Children (VAWC), Konsehala Florida Telegrapo. Sa ating PTA President, Leandro Dela Cruz. Maging sa ating mga Barangay Health Workers (BHW) at mga Barangay Tanod. Ang HVHS po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong inilaan na oras at pagod. Salamat po sa inyong di matatawarang serbisyo.

“Sa bawat tulong na ating ibinibigay, pag-asa ang sumisibol sa puso ng iba.”

Address

Happy Valley
Socorro
5207

Opening Hours

Monday 7:30am - 4:30pm
Tuesday 7:30am - 7:30pm
Wednesday 7:30am - 4:30pm
Thursday 7:30am - 4:30pm
Friday 7:30am - 4:30pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Happy Valley High School 306442 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category