22/06/2026
Every small act of kindness makes a big difference.
https://www.facebook.com/61590491372323/posts/122115113793349712/?
๐PROJECT: LINGAP ESTUDYANTE๐
Magandang araw, mga ARTACHONIANS!
Sa diwa ng pagkakaisa at bayanihan, ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) at Supreme Board Members (SBM) ng Artacho National High School ay buong pusong inilulunsad ang Project: Lingap Estudyante, isang boluntaryong donation drive na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral na nangangailangan ng mga pangunahing gamit sa pag-aaral.
Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga second-hand ngunit maayos at magagamit pang mga kagamitan tulad ng:
๐ School Bags
๐ Sapatos
๐ School Uniforms
๐ T-shirts/Pants
โ๏ธ School Supplies
๐ฆ Iba pang kapaki-pakinabang na gamit na hindi na ginagamit
Ang bawat donasyong inyong ibabahagi ay maaaring maging daan upang mabigyan ng pag-asa at inspirasyon ang kapwa nating mag-aaral. Sa halip na itago ang mga gamit na hindi na nagagamit, gawin natin itong instrumento ng kabutihan at pagmamalasakit.
Sama-sama nating patunayan na sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagkalinga, at malasakit, wala ni isang mag-aaral ang maiiwan.
Para sa mga donasyon at katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa mga SSLG Officers o magtungo sa itinakdang donation area sa loob ng paaralan.
Isang Donasyon, Isang Pag-asa!!