Anib Elementary School

Anib Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Anib Elementary School, School, Anib, Sipocot.

πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨ Matagumpay na Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026!Isang makabuluhang pagdiriwang na puno ng talento, pagkam...
25/08/2026

πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨ Matagumpay na Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026!

Isang makabuluhang pagdiriwang na puno ng talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa Wikang Filipino ang isinagawa sa Mababang Paaralan ng Anib.

πŸ‘ Congratulations sa lahat ng kalahok at nagwagi! Maraming salamat sa ating mga g**o, facilitators, at buong school community sa kanilang suporta.

Wika ang tulay sa kaalaman at pagkakaisa! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’™

Masayang Star Revel & Twinklers Playday kasama ang Star Scouts ng Anib Elementary School sa Robinsons Naga City πŸ’›πŸ’šTaos-p...
24/08/2026

Masayang Star Revel & Twinklers Playday kasama ang Star Scouts ng Anib Elementary School sa Robinsons Naga City πŸ’›πŸ’š

Taos-pusong pagbati sa mga Star Scouts sa kanilang aktibong pakikilahok at galing sa Mass DemonstrationπŸ«ΆπŸ½πŸŽ‰

Espesyal na pagbati rin sa aming Mother and Daughter Duet Representatives ng Sipocot 1β€” Gng. Melani Le G. Vibal at Kristine G. Vibal!
Ang galing ninyo!! πŸ₯°πŸ‘πŸΌπŸŽ‰

Maraming salamat sa mga g**o sa gabay at lalong-lalo na sa mga magulang sa walang sawang suporta.

Kayo ang tunay na katuwang sa tagumpay ng mga bata! πŸ’–

Happy Birthday, Sir Ronel Brila Datoy! πŸŽ‰πŸŽ‚Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, and countl...
19/08/2026

Happy Birthday, Sir Ronel Brila Datoy! πŸŽ‰πŸŽ‚

Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, and countless blessings. Thank you for your guidance, leadership,kindness, and for being an inspiration to everyone around you. May the Lord continue to bless you with wisdom, strength, and success as you make a positive difference in the lives of others.

May this special day bring you the same joy and encouragement that you generously share with everyone. Keep inspiring, keep leading, and keep being the wonderful person that you are.
# Your Anib ES family celebrates with you!β€οΈπŸ’š

Taos-pusong pasasalamat sa Department of Education (DepEd) sa pagkakaloob ng lapel microphones para sa bawat g**o ng Ani...
18/08/2026

Taos-pusong pasasalamat sa Department of Education (DepEd) sa pagkakaloob ng lapel microphones para sa bawat g**o ng Anib Elementary School.

Ang mga kagamitang ito ay malaking tulong upang maging mas malinaw, maayos, at epektibo ang paghahatid ng mga aralin, lalo na sa mga gawaing nangangailangan ng malinaw na komunikasyon sa loob ng silid-aralan.

Lubos naming pinahahalagahan ang patuloy na suporta ng DepEd sa mga g**o at sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon. Ang simpleng kagamitang ito ay magsisilbing mahalagang katuwang ng aming mga g**o sa kanilang araw-araw na pagtuturo at paglilingkod sa mga mag-aaral.

Maraming salamat, DepEd, sa patuloy na pagkalinga at suporta sa ating mga g**o!

Wikang Filipino at AI: Kasangkapan saPananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon πŸ‡΅πŸ‡­Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika nga...
17/08/2026

Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa
Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon πŸ‡΅πŸ‡­

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon, nakiisa ang buong komunidad ng paaralang Anib Elementary School sa pamamagitan ng isang makabuluhang Pagtataas ng Watawat na nagbigay-diin sa pagmamahal sa ating wika, kultura, at pagka-Pilipino.

Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating kulturang Pilipino, buong pagmamalaking nagsuot ang ating mga g**o ng kani-kanilang Filipiniana at Barong Tagalog attire. Samantala, binigyang-diin ni G. Gen-Rev D. Pielago, ang tagapag-ugnay sa Filipino ang tema ng Buwan ng Wika, na nilalayon ng pagdiriwang na maisulong ang paggamit, pagpapayaman at intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang patuloy nating mahalin, gamitin, pagyamanin, at ipagmalaki ang ating sariling wika at kultura.

Scouts Today, Leaders Tomorrow! βšœοΈβ›ΊοΈπŸ”₯Our ANIB Elementary School Boy Scouts proudly embodied this year's theme "Scouts fo...
02/08/2026

Scouts Today, Leaders Tomorrow! βšœοΈβ›ΊοΈπŸ”₯
Our ANIB Elementary School Boy Scouts proudly embodied this year's theme "Scouts for Peace and Sustainable Development" during the District Investiture/Installation Ceremony & Overnight Camp.

A massive salute to our incredible ANIB ES scouts for showing true resilience and proving that they are ready to build a more peaceful and sustainable future.

This unforgettable journey of solemn oaths, camp activities, and campfire memories wouldn't have been possible without our amazing community:
- ​To our supportive parents: Thank you for trusting us and allowing your children to take part in this growth-filled adventure.
- ​To our school head and dedicated teachers: Thank you for your unwavering guidance, teamwork, and support every step of the way.

Laging Handa today, tomorrow, and always! ⚜️

A day of promise and pride! πŸ’™πŸ’›Our Kid and Kab Scouts of Anib Elementary School joined the District Kab Scout Investiture...
02/08/2026

A day of promise and pride! πŸ’™πŸ’›

Our Kid and Kab Scouts of Anib Elementary School joined the District Kab Scout Investiture Ceremony at Tara Elementary School.

Our deepest gratitude to our School OIC ma'am Let Ancog, Scout Leaders and Parents and guardians for your guidance and support.

Mabuhay ang mga batang Scout!" 🫑

MATAGUMPAY NA PAGDIRIWANG NG NUTRITION MONTH 2026 SA ANIB ELEMENTARY SCHOOL Matagumpay na naidaos ng ating paaralan ang ...
02/08/2026

MATAGUMPAY NA PAGDIRIWANG NG NUTRITION MONTH 2026 SA ANIB ELEMENTARY SCHOOL

Matagumpay na naidaos ng ating paaralan ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 noong Hulyo 30 at 31, 2026, na may Temang "Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalagaan", sa pamamagitan ng iba't ibang gawaing pang-edukasyon at pangkalusugan na isinagawa pagkatapos ng regular na klase. Naging makabuluhan ang selebrasyon sa pagpapalawak ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay.

Ang tagumpay ng pagdiriwang na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan at pakikiisa ng buong komunidad ng paaralan. Lubos na pinasasalamatan ng paaralan ang ating mga magulang, mga g**o, mag-aaral, SPTA officers, BLGU Anib, at iba pang mga katuwang na naglaan ng kanilang oras, suporta, at aktibong pakikilahok upang maisakatuparan ang lahat ng mga gawain sa kabila ng mga hamon at limitasyon sa oras.

Muli, ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay patunay na sa pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isa, mas nagiging makabuluhan ang mga programang naglalayong itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral.


Patuloy na Paghubog ng Kahusayan sa Pagtuturo!Taos-pusong pagbati at pasasalamat sa ating mga dedikadong g**o ng Anib El...
26/07/2026

Patuloy na Paghubog ng Kahusayan sa Pagtuturo!

Taos-pusong pagbati at pasasalamat sa ating mga dedikadong g**o ng Anib Elementary School na matagumpay na dumalo sa Division Training of Teachers on the Revised Grade 6 Curriculum:

Sir JovenRey Aldave - Division Trainer (TLE 6)
Sir Gen-Rev Pielago - TLE 6
Ma'am Alessi Ava Mendoza - English 6
Ma'am Melanie Vibal Vibal Melanie - AP 6
Ma'am Regina Clavecilla Villaruel - AP 6

Ang kanilang pakikibahagi ay patunay ng kanilang patuloy na dedikasyon sa pagpapahusay ng kaalaman at kasanayan upang maihatid ang de-kalidad, makabago, at makabuluhang edukasyon sa ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating isulong ang isang mas mahusay na kinabukasan para sa bawat batang Pilipino. Mabuhay ang ating mga g**o!


Anib ES SPTA General Rabus and 4Ps Gulayan sa PaaralanJuly 22 and July 24, 2026Maraming salamat sa lahat ng mga magulang...
24/07/2026

Anib ES SPTA General Rabus and 4Ps Gulayan sa Paaralan
July 22 and July 24, 2026

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang na nakiisa at tumulong sa ating paglilinis ng paaralan. Dahil sa inyong oras, sipag, at pagtutulungan, naging mas malinis, maayos, at ligtas ang kapaligiran ng ating mga mag-aaral. Ang inyong pakikiisa ay patunay ng tunay na malasakit at matatag na ugnayan ng tahanan at paaralan para sa kapakanan ng ating mga anak.

Address

Anib
Sipocot
4408

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anib Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category