27/08/2025
Bilang pangwakas na patimpalak ng Filipino Club kaugnay ng pampaaralang Pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Wika 2025 na may temang βPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaβ, ipinamalas ng mga mag-aaral sa ibaβt ibang organisasyon ang kanilang pagkamalikhain at kaalaman sa wikang Filipino at wikang katutubo at kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagdisenyo ng bulletin board na naganap kaninang umaga.
Sa bandang hapon, ipinamalas din ng iba pang mag-aaral ang kanilang talento sa pagbirit at pagkuha ng loob ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng pag-awit ng mga Original Pilipino Music (OPM). π€ πΆ
Pinapasalamatan si Dr. Marisa G. Valoria, Punongguro IV, sa kaniyang suporta sa mga naganap na patimpalak. Pinapasalamatan din ang mga nagsilbing hurado sa ibaβt ibang patimpalak at ang buong kaguruan ng Filipino Department sa pangunguna ng ulongguro nitong si G. Samuel I. Yadao. Hindi maisasakatuparan ang mga patimpalak na ito kung hindi dahil sa inyo. Mabuhay po kayo! ππ
Likas ngang talentado at magagaling ang mga Ilokano/Pilipino sa kahit na anong larangan, tayo sana ay magkaisa para hasain ang mga ito. Muli, maligayang Buwa ng Wika sa ating lahat! ππ΅π