SNHS Values Ed Dept.

Directions

SNHS Values Ed Dept. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SNHS Values Ed Dept., Education Website, Ilocos Sur, Sinait.

“Responsibilidad natin, tagumpay nating lahat!”Ang pagiging responsable ay nagsisimula sa maliliit na gawain. Gawin ang ...
05/10/2026

“Responsibilidad natin, tagumpay nating lahat!”

Ang pagiging responsable ay nagsisimula sa maliliit na gawain. Gawin ang tama, tuparin ang tungkulin, at maging bahagi ng positibong pagbabago sa paaralan at komunidad. ✨

August Value of the Month: COURAGESa bawat pagsubok, piliing maging matatag, manindigan, at magpatuloy. Dahil ang tunay ...
03/08/2026

August Value of the Month: COURAGE

Sa bawat pagsubok, piliing maging matatag, manindigan, at magpatuloy. Dahil ang tunay na katapangan ay hindi kawalan ng takot, kundi ang tapang na harapin ito.

Be brave. Stand strong. Keep going! 💪

Isang makabuluhang araw ng pagsusuri, pagninilay, at pagpapatuloy ng ating pangako sa kalidad na edukasyon.             ...
26/06/2026

Isang makabuluhang araw ng pagsusuri, pagninilay, at pagpapatuloy ng ating pangako sa kalidad na edukasyon.

Ang Values Education Department ay tagumpay na nakapagpasa ng kanilang Individual Performance Commitment and Review Form (IPCRF) para sa School Year 2025–2026 bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng ating mga g**o at pagpapahusay ng mga serbisyong pang-edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat at pagkilala kay Dr. Marisa G. Valoria, dating Principal IV ng Sinait National High School, sa kanyang walang sawang suporta, paggabay, at makabuluhang pamumuno na naging inspirasyon sa buong paaralan.

Maraming salamat po sa inyong serbisyo at mga kontribusyon sa pamilyang SNHS. 💙✨

Patuloy nating isinusulong ang kalidad, integridad, at malasakit sa edukasyon.




“Hubog ng Isip, Hugis ng Asal ,Kabataang may Prinsipyo, Handang Magtagumpay sa Bawat Hamon at Aral.”Buong husay na nakil...
11/02/2026

“Hubog ng Isip, Hugis ng Asal ,Kabataang may Prinsipyo, Handang Magtagumpay sa Bawat Hamon at Aral.”

Buong husay na nakilahok ang ESP Department sa ginaganap na 4th Curriculum Exhibit ng Sinait National High School. Itinampok ng ESP Department ang iba’t ibang makabuluhan, malikhaing, at makasining na output ng mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 10. Ang bawat gawa ay sumasalamin sa kanilang malalim na pag-unawa sa mga aralin tungkol sa pagpapahalaga, paghubog ng mabuting asal, at pagpapaunlad ng responsableng pagkatao.

Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, naipakita hindi lamang ang kanilang kaalaman kundi pati ang kanilang puso at paninindigan sa mga pagpapahalagang moral at espiritwal na kanilang natutuhan. Higit pa sa mga likhang-sining at akademikong gawain, ang bawat output ay patunay ng patuloy na paghubog sa kabataang may integridad, malasakit sa kapwa, at matibay na paninindigan sa tama.

Ang matagumpay na partisipasyong ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng ESP Department sa misyon nitong maglinang ng mga mag-aaral na hindi lamang mahusay sa akademiko, kundi higit sa lahat, may mabuting puso at matatag na pagpapahalaga sa buhay. ✨

PAGBATI!  Isang malaking karangalan at tagumpay para sa ESP Department ang masungkit ang UNANG GANTIMAPALA sa VAWC-theme...
15/12/2025

PAGBATI!
Isang malaking karangalan at tagumpay para sa ESP Department ang masungkit ang UNANG GANTIMAPALA sa VAWC-themed Parol Making Contest para sa pag kundina sa 18 Day Campaign to End VAWC 2025, ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang inyong tulong at suporta!

Sa mga KPSEP officers at iba pang kasapi ng Organisasyon sa inyong walang sawang tulong at dedikasyon. Mga G**o ng ESP Department, na nagbigay ng oras, talento, at sipag para mabuo ang parol na may makulay na mensahe tungkol sa pagpapahalaga sa kababaihan at ang karapatang pantao.

kayo ang naging daan upang makamit natin ang tagumpay na ito. Patuloy tayong magsama-sama at magtulungan upang makamit pa ang mas marami pang tagumpay.




Serbisyong may Puso, Aral na may Halaga!Buong pusong nakilahok ang mga g**o ng ESP Department, kasama ang iba pang mga g...
13/12/2025

Serbisyong may Puso, Aral na may Halaga!

Buong pusong nakilahok ang mga g**o ng ESP Department, kasama ang iba pang mga g**o, SSLG Officers, at KPSEP Club Officers ng Sinait National High School sa isinagawang Community Outreach: Gift Giving para sa mga Out-of-School Youth ng Brgy. Sta. Cruz at Brgy. Tapao, Sinait, Ilocos Sur.

Ang gawaing ito ay bahagi ng mga programa ng ESP Department bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Filipino Values Month 2025, na naglalayong isabuhay ang mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng malasakit, bayanihan, at pagmamahal sa kapwa.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng oras, talento, at pusong handang maglingkod.

SNHS para sa Kabataan
SNHS para sa Komunidad

Sa pagdiriwang ng Filipino Values Month 2025, Na may temang ‘Bagong Pilipinas, Bagong Pag-asa: Pagkakaisa at Pananagutan...
29/11/2025

Sa pagdiriwang ng Filipino Values Month 2025, Na may temang ‘Bagong Pilipinas, Bagong Pag-asa: Pagkakaisa at Pananagutan para sa Makabuluhang Pagbabago,’ ipinapaalala sa atin na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa puso, sa bawat pagkilos na may malasakit, disiplina, at dangal. Bilang pakikiisa, ang Sinait National High School – EsP Department ay Naglunsad ng iba’t ibang makabuluhang gawain na sumasalamin sa ganda ng ating pagkatao :

📌 Grade 7 - BOOK MARK MAKING CONTEST
📌 Grade 8 - PHOTO ESSAY CONTEST
📌 Grade 9 - DIGITAL POSTER MAKING CONTEST
📌 Grade 10 - SHORT VIDEO MAKING CONTEST
📌 COMMUNITY OUTREACH PROGRAM - GIFT GIVING
📌 PROJECT LINIS: ISAPUSO ANG PAGMAMALASAKIT: A VALUES ED CLEAN UP DRIVE

Sa bawat likha, larawan, pahina, at kwento, sumisiklab ang mga pagpapahalagang Pilipino. Sa pagdiriwang ng Filipino Values Month, ipapakita ng ating mga mag-aaral at mga G**o na ang Pagkakaisa at Pananagutan ay di lamang salita, kundi gawa at puso para sa Bagong Pilipinas.

Sinait National High School proudly joins the Nation in celebrating the 2025 Filipino Values Month with the theme "Bagon...
22/11/2025

Sinait National High School proudly joins the Nation in celebrating the 2025 Filipino Values Month with the theme "Bagong Pilipinas, Bagong Pag-asa: Pagkakaisa at Pananagutan para sa Makabuluhang Pagbabago."

Together, we honor the values that shape our identity pagkakaisa, malasakit, respeto, at pananagutan as we guide learners toward becoming makatao, makabansa, at makabuluhang mamamayan.



🌧️🙏 ORATIO IMPERATA: PRAYER FOR DELIVERANCE FROM CALAMITIES 🙏🌧️In times of uncertainty and strong storms, we turn to our...
09/11/2025

🌧️🙏 ORATIO IMPERATA: PRAYER FOR DELIVERANCE FROM CALAMITIES 🙏🌧️

In times of uncertainty and strong storms, we turn to our faith and unity as one SNHS community. 💙

Let us fervently pray the Oratio Imperata (Prayer for Typhoon Uwan), asking for God’s protection and mercy for our families, school, and community.

Almighty Father, we raise our hearts to You in gratitude for the wonders of creation and the gift of life... Protect us from the threat of typhoons, floods, and other calamities. Spare us from harm and save those who are in danger. We ask this through Christ our Lord. Amen.

Let us continue to pray for everyone’s safety and strength during this season.

Together, let us keep our faith stronger than the storm.


🌸🙏 MONTH OF THE HOLY ROSARY CELEBRATION 2025🙏🌸Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, ang Edukasyon sa Pagpapakatao (E...
21/10/2025

🌸🙏 MONTH OF THE HOLY ROSARY CELEBRATION 2025🙏🌸

Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Department ng Sinait National High School kasama ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ay nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Santo Rosaryo sa pamamagitan ng makabuluhang Human Rosary (Living Rosary). 💙💐

Bilang isang paaralan na itinatag sa mga pagpapahalagang Kristiyano, sama-sama nating ipinakita ang debosyon kay Birheng Maria sa pananalangin ng Santo Rosaryo—isang simbolo ng ating pag-asa, kapayapaan, at pananampalataya sa Diyos. 🌹✨

Ang pagkakaisang ito ay paalala na ang bawat butil ng rosaryo ay tanda ng ating pagtitiwala at pagmamahal sa Panginoon at sa Inang Maria. 💫







Address

Ilocos Sur
Sinait
2733

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SNHS Values Ed Dept. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share