05/09/2026
Maraming Salamat sa Pagsuporta sa "I-Sayaw mo, I-Basa ko!"
Isang matagumpay at puspos ng sigla na Zumba for a Cause ang idinaos kamakailan sa pangunguna ng Tatiao Elementary School - Parent Teacher Association! Ang proyektong ito ay nakalaan para sa pagkumpleto ng ating Tatiao Elementary School Reading Hub (Nipa Hut).
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa, sumayaw, at nag-abot ng tulong. Ang inyong bawat hakbang at pawis ay malaking ambag para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan!
Pormal din naming pinasasalamatan ang ating mga katuwang sa tagumpay na ito:
5th District Sangguniang Panlalawigan Member, Hon. Ivee Jayne Reyes
Punong Barangay, Hon. Sammy Abines
Tatiao Elementary School Management sa pamumuno ni Ms. Ma. Rowena Dimaranan (School Head)
Naging mas masaya at kapana-panabik din ang ating programa dahil sa ipinamahaging 34 Raffle Prizes at 5 Special Awards para sa ating mga aktibong participants at supporters!
Sa lahat ng mga magulang, g**o, opisyal, sponsors, at mga Zumba dancers na nag-alay ng kanilang oras, lakas, at suporta, maraming, maraming salamat po! Hindi po ito magiging matagumpay kung wala ang inyong bayanihan.
Kita-kits po tayo sa ating mga susunod na gawain para sa Tatiao Elementary School!