19/11/2024
Ang pinakamabisang paghahanda para sa magandang kinabukasan ay ang puspusang paggawa ng kabutihan sa kasalukuyan. Kung nais nating magtagumpay sa ating landas, kailangan nating pagyamanin ang bawat pagkakataon maging ito man ay sa pag-aaral, pagtutulungan, o kahit sa simpleng paglilinis ng ating paaralan. Sa bawat pagwawalis ng alikabok at dumi, tila nililinis din natin ang landas patungo sa ating mga pangarap. Kaya’t huwag balewalain ang kasalukuyan, sapagkat dito nakasalalay ang ating kinabukasan.
Ms. Queen Karen Causaren Pongasi - Alda
- 9 WAGAYWAY
God bless💞