19/07/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ง. ๐๐ข๐ญ๐จ ๐. ๐๐๐ฅ๐๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐จ
Bilang pakikiisa sa pagpapanatili ng kasaysayan at pagpapahalaga sa pamana ni Hen. Vito L. Belarmino, nakiisa ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Kabayani Officers, at mga Class Presidents ng Gen. Vito Belarmino Integrated National High School sa programang "Pagpanariwa 2026: Muling Pagsariwa sa Buhay at Pamana ni Hen. Vito L. Belarmino." Ang programa ay matagumpay na pinadaloy ni Ma'am Merinel Telesforo at dinaluhan ng mga panauhing tagapagsalita mula sa Silang Historical Society at Lokal na Pamahalaan ng Silang kasama ang Department of Tourism ng Silang.
Bago magsimula ang programa, pinresenta at pinamahagi ng Department of Tourism ng Silang ang Biyaheng South: Cavite Passport sa mga mag-aaral.
Sinimulan ang programa sa panalangin, pag-awit ng Makabayang Awit, at pambungad na pananalita ni Ma'am Rosalia Anacay, Principal III ng GVBINHS. Sinundan ito ng inspirasyonal na mensahe ni Kgg. Ret. Gen. Edward โTedโ Carranza, Punong Bayan ng Silang, sa pamamagitan ng isang kinatawan. Nagbigay din ng inspirasyonal na mensahe ang Sangguniang Kabataan Federation President Neil Buso. Gayundin, nagdala rin naman ng inspirasyonal na mensahe si Teresita Unabia bilang isa sa mga sumulat ng librong Heneral Vito Belarmino.
Nagbigay din ng pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Silang at Silang Historical Society at pinresenta ni Wane Charlez Merudo, SSLG President ang mga pangunahing paksa ng daloy ng palutuntunan na tumalakay sa:
1. Angkan ni Vito Belarmino;
2. Ang pagiging "Rey de Silang" ni Heneral Vito Belarmino;
3. Ang Paaralang Belarmino 1972โ2022;
4. At ang Memento, Aklat at mga alaala ng Dakilang Anak ng Silang.
Sa buong programa, naging aktibong kalahok ang SSLG, Kabayani Officers, at mga Class Presidents sa pakikinig at pagninilay sa bawat talakayan. Ang kanilang pakikilahok ay sumasalamin sa hangarin ng paaralan na hubugin ang mga mag-aaral na may malalim na pagpapahalaga sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Belarminians.
Mayroon ding ilang mga g**o at mag-aaral ang napamahigaan ng libro na Heneral Vito Belarmino: Ang Dakilang Anak ng Silang.
Sa pagtatapos ng programa, isinagawa ang paggawad ng sertipiko at pangwakas na pananalita ni Ma'am Rosemarie Reyes, Ulongg**o III bilang pagkilala sa matagumpay na pagdaraos ng gawain. Patuloy na makikiisa ang Supreme Secondary Learner Government sa mga programang nagpapaigting ng makabayang kamalayan at nagpapanatili sa mga aral at pamana ng mga bayaning nagbigay-inspirasyon sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.
Sabay-sabay po nating sariwain ang buhay at pamana ni Heneral Vito Belarmino! ๐๐
โ๏ธ: Ma. Alrianna V. Borbe (SSLG Assistant Secretary) and Wane Charlez G. Merudo (SSLG Presideny)
๐จ: Syden Aecer C. Belen (SSLG Grade 9 Representative) and Raven Kristof Migz T. Alfaro (SSLG Media Team - PubMats Editor)
๐ท: Gerald Mathew F. De Guzman (SSLG Media Team - Photo Documentation) and Jenelyn R. Delica (SSLG Vice President)