20/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | Sama-samang nakiisa ang mga mag-aaral mula sa Ikasiyam na Baitang, mga g**o, at mga magulang sa pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong ikatlong Linggo ng buwan, Setyembre 20, 2026, sa paggunita sa Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon, na ginanap sa Diyosesanong Dambana at Parokya ng Nuestra Seรฑora de Candelaria.
Kasama rin sa banal na pagdiriwang ang mga Youth Catechists ng paaralan na isinugo bilang mga katekista ng parokya, bilang patuloy na pagtugon sa kanilang misyon ng paglilingkod at pagpapalaganap ng pananampalataya.
Pinangunahan ni Rdo. P. Luisito Gatdula, Punong Tagapagdiwang, ang Banal na Misa, sa tulong ni Rdo. Rodelo Jumawit, ESHT, bilang Panauhing Diyakono.
Sa pagninilay na โ๐๐๐จ๐ช๐จ๐ช๐ ๐๐ฉ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐จ๐๐ ๐ง๐๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐ค?โ, pinaalalahanan ang bawat isa na ang tunay na halaga ng paglilingkod ay hindi nasusukat sa dami ng ating nagawa o naisakripisyo, kundi sa katapatan, kababaang-loob, at buong-pusong paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
Nawaโy patuloy tayong maging mabubuting katiwala ng biyaya ng Diyos, tapat na lingkod, at pagpapala sa ating kapwa.