27/07/2022
Congratulations Salinlahi Serenata Singers 💚
4 na gintong medalya at 2 tropeyo para sa paaralan at bayan! 🇵🇭🇵🇭🇵🇭
Tagumpay ang inyong paglalayag! Malugod na bumbati ang buong Bulihan Integrated National High School at buong bansa sa tagumpay ng Salinlahi Serenata Singers sa 11th Bali International Choir Festival 2022 sa Bali, Indonesia.
Choir Competition
🏆🥇 Mixed Youth Choir Category Winner (1st Trophy and Gold Medal)
🏆🥇Music of the Religion Winner (1st Trophy and Gold Medal)
Choir Championship
🥇Mixed Youth Choir Category (Gold Medal)
🥇 Music of the Religions (Gold Medal)
Pagbati rin sa inyong Gurong Tagapagsanay at Conductor, Sir Aristeo Butial, sa kanyang hindi matatawarang determisyon at pagmamahal sa musika. Saludo po kami sa iyo!
Saksi kami sa inyong paghihirap at determinasyong makilala sa mundo at makaawit sa pandaigdigang kompetisyon. Ang himig ninyo ay tinig ng ating kultura't pagkakakilanlan. Kaya tunay na kayo'y dangal at yaman ng ating bayan. Iba talaga ang husay at puso ng Batang Bulihan. Maraming salamat sa inyong pagbibigay karangalan sa ating paaralan at sa bayan!
Mabuhay kayo, SaSeSi! Padayon!