LeibniZianz

Directions

LeibniZianz ᴛʜᴇ ᴏꜰꜰɪᴄɪᴀʟ ᴘᴀɢᴇ ᴏꜰ 11- ʟᴇɪʙɴɪᴢ

"𝕿𝖍𝖊𝖔𝖗𝖎𝖆 𝖈𝖚𝖒 𝖕𝖗𝖆𝖝𝖎"
-ɢᴏᴛᴛꜰʀɪᴇᴅ ᴡɪʟʜᴇʟᴍ ʟᴇɪʙɴɪᴢ

Isang karangalan para sa Grade 11–Leibniz ang tagumpay ng dalawang mag-aaral sa 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 (𝐂𝐒𝐏𝐂)...
27/09/2026

Isang karangalan para sa Grade 11–Leibniz ang tagumpay ng dalawang mag-aaral sa 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 (𝐂𝐒𝐏𝐂)! 🏆📰
‎
‎Kampeon sa Sports Writing – Filipino si 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗧. 𝗧𝗼𝗺𝘂𝗴𝗱𝗮𝗻, habang nakamit naman ni 𝗗𝗮𝘃𝗶𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗹 𝗖. 𝗖𝗮𝗻𝘁𝘂𝗯𝗮
‎ ang 2nd place sa News Writing – Filipino.
‎
‎Sa bawat salitang isinulat at kuwentong ibinahagi, napatunayan nilang ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ay tunay na daan tungo sa tagumpay.
‎
‎𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐞 𝐚𝐭 𝐃𝐚𝐯𝐢𝐞!! 🎉👏 Ipinagmamalaki kayo ng Grade 11–Leibniz! 💙

‎‎🖼️: Tomugadn, V. C.
‎🖋️: Plameras, J. D., Nonesco, G. M.

🇵🇭 MAGING MULAT, BAYAN KONG SINILANGANAng pera ng bayan ay para sa bayan. Sa bawat pondong inilaan para sa mga proyekto ...
01/09/2026

🇵🇭 MAGING MULAT, BAYAN KONG SINILANGAN

Ang pera ng bayan ay para sa bayan. Sa bawat pondong inilaan para sa mga proyekto at serbisyong pampubliko, nararapat lamang na ito ay gamitin nang tama, tapat, at may pananagutan.

Ang korapsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng pera—ito ay pagnanakaw ng oportunidad, serbisyo, at kinabukasan ng bawat Pilipino.

Kaya bilang mamamayan, huwag tayong maging bulag o tahimik. Maging mapanuri, magsalita, at manindigan para sa katotohanan.

Tama na ang korapsyon. Ibalik ang pondo sa tunay na may-ari—ang bayan. 🇵🇭



🖼️: Tomugdan, V.C.T
🖋️: Alabado, J.R.Q
Sumugat, K.B.V

🌍 Maliit na pagbabago, malaking epekto! 🐢💚       Alam mo ba na ang basurang basta-basta na lang itinapon ay maaaring mag...
31/08/2026

🌍 Maliit na pagbabago, malaking epekto! 🐢💚

Alam mo ba na ang basurang basta-basta na lang itinapon ay maaaring maging sanhi ng baha sa iyong tapat, o kaya'y pumatay sa mga isda at pawikan sa dagat? 🌊

Huwag nating hintaying tayo naman ang maapektuhan bago tayo tuluyang kumilos! Isagawa natin ang tamang pagbubukod ng basura, bawasan ang plastik, at panatilihing malinis ang ating mga daluyan ng tubig.

Tandaan: Basura mo, pananagutan mo! 🤝🌱🎨

🖼: Sofia Claire Q. Armonio
🖋Hillary Rose A. Calipayan
Iba pang miyembro: Keith Andrei Elizan

📖🔢 ANG MATUTO AY KARAPATAN, HINDI PRIBILEHIYO.Ang bawat bata ay may karapatang matuto—bumasa, umunawa, bumilang, at mang...
31/08/2026

📖🔢 ANG MATUTO AY KARAPATAN, HINDI PRIBILEHIYO.

Ang bawat bata ay may karapatang matuto—bumasa, umunawa, bumilang, at mangarap. Ang literasiya at numerasiya ay hindi lamang mga kasanayang natututunan sa paaralan; ito ay mga pundasyon ng kaalaman, oportunidad, at mas maliwanag na kinabukasan.

Walang batang dapat maiwan at walang pangarap ang dapat hadlangan dahil lamang sa kakulangan ng pagkakataong matuto.
Sama-sama nating ipaglaban ang karapatan ng bawat bata sa pagkatuto. Dahil ang edukasyon ay hindi para sa iilan—ito ay para
sa lahat. ✊📚









🖼️:Buncag, C.A
✒️:Buncag, C.A
Canar, M
Fedelicio, L,J

‎🌿 𝙆𝘼𝙇𝙄𝙆𝘼𝙎𝘼𝙉 𝘼𝙔 𝙄𝙉𝙂𝘼𝙏𝘼𝙉, 𝘽𝙐𝙃𝘼𝙔 𝘼𝙔 𝙋𝘼𝙉𝙂𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼𝘼𝙉!🌏💚‎‎🌳 Isang kalikasang makulay, tahanan ng bawat buhay—magkusang mangalaga...
31/08/2026

‎🌿 𝙆𝘼𝙇𝙄𝙆𝘼𝙎𝘼𝙉 𝘼𝙔 𝙄𝙉𝙂𝘼𝙏𝘼𝙉, 𝘽𝙐𝙃𝘼𝙔 𝘼𝙔 𝙋𝘼𝙉𝙂𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼𝘼𝙉!🌏💚
‎
‎🌳 Isang kalikasang makulay, tahanan ng bawat buhay—magkusang mangalaga dahil marami ang dito'y nakasalalay. 🐦🦋🌱
‎
‎🏡 Ang pagprotekta sa bawat tahanan ng ating mga nilalang ay nararapat na pahalagahan. Ito'y nagsisilbing pangangalaga sa kanilang nakasanayan. Sapagkat ito'y balanseng bumubuhay sa ating mundo. 🐾🌿
‎
‎💔 Ang pagkawasak ng libo-libong tirahan ay nagdudulot ng pagkasira ng ating kalikasan. Hindi lamang mga hayop ang nawawalan ng pagkakataong mabuhay—kundi tayo ring sumasalakay. 🌏🥀
‎
‎🌱 Ang pagpapanumbalik at pagkalinga sa kalikasan ay ating pananagutan, sapagkat ang sari-saring buhay ay mahalaga at kailangan nating pangalagaan. 🌳🐠🦜
‎
‎🤝 Halina't puksain ang mga gawaing sumisira sa ating kalikasan! Magkaisa upang magkaroon ng ginhawa—sapagkat ang kalikasang buhay ay ating kaagapay. 💚🌎

‎✨ 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀, 𝗮𝘁 𝗯𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗻𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀! 🌱
‎🌿 𝗠𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆-𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮!🐾💚🌏
‎
‎🖼️: Nonesco, G. M.
‎🖋️: Cantuba, D. C.
‎🔍: Gumboc, J. D. & Dionesio, S. R.
‎
‎ ‎
‎ 🌿🌱

𝙋𝘼𝙉𝙏𝘼𝙔-𝙋𝘼𝙉𝙏𝘼𝙔 𝙏𝘼𝙔𝙊! 🫶🏻💯Lahat tayo ay may karapatan. Walang pinipiling identidad ang karapatan dahil lahat tayo ay tao la...
31/08/2026

𝙋𝘼𝙉𝙏𝘼𝙔-𝙋𝘼𝙉𝙏𝘼𝙔 𝙏𝘼𝙔𝙊! 🫶🏻💯
Lahat tayo ay may karapatan. Walang pinipiling identidad ang karapatan dahil lahat tayo ay tao lamang na naghahangad ng pantay-pantay na paggalang, oportunidad, at kalayaan.

Para sa batang babaeng sinabihang, “Hindi pwede maging lider.”🦸🏻‍♀️📣 Para sa batang lalaking sinabihang, “Bawal umiyak.” Para sa lahat ng hinuhusgahan dahil lang sa kung sino sila.❗️

Ang kasarian ay hindi sumusukat sa halaga, kakayahan, o pangarap ng isang tao. Iba-iba tayo, ngunit pantay-pantay ang ating karapatan. 🎗Sama-sama nating basagin ang mga stereotype, labanan ang diskriminasyon, at bumuo ng mundong walang iniiwan at walang kinakahon dahil sa kasarian. Dahil ang pagkakapantay-pantay ay para sa LAHAT. ✨🤝

🖼 : Mary Angel C. Veñegas
✒️ : Sharalaine Nicole D. Camarines, Emmanuelle Stella Maris S. Macavinta





⚡ 𝐍𝐮𝐜𝐥𝐞𝐚𝐫 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲: 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬, 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧!🇵🇭Ang nuclear energy ay maaaring maging isang  𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀, 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴...
31/08/2026

⚡ 𝐍𝐮𝐜𝐥𝐞𝐚𝐫 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲: 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬, 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧!🇵🇭

Ang nuclear energy ay maaaring maging isang 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀, 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴
pinagkukunan ng kuryente para sa ating bansa. Sa pamamagitan ng tamang teknolohiya, mahigpit na mga hakbang sa kaligtasa, at responsableng pamamahala, makatutulong ito sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan sa enerhiya at pagbawas ng paggamit ng fossil fuels.⚡☢️☣️

Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente para sa 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻, 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻, 𝗻𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼, 𝗮𝘁 𝗶𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝗶𝘆𝗮. Ang nuclear na enerhiya ay maaaring makatulong na makapagbigay ng malaking produksyon ng kuryente habang binabawasan ang pagdepende sa coal at iba pang fossil fuels.⚡✨

Gayunpaman, ang paggamit ng nuclear na enerhiya ay nangangailangan ng 𝗺𝗮𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗹𝗮𝗻𝗼, 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗿𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻.
Sa pamamagitan ng tamang impormasyon, edukasyon, at responsableng paggamit ng teknolohiya, makakagawa tayo ng mas matalinong desisyon para sa enerhiya ng Pilipinas.⚡🇵🇭⚡

💡 𝗔𝗹𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻,𝗮𝘁 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗻𝘂𝗰𝗹𝗲𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗲𝗻𝗲𝗿𝗵𝗶𝘆𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻!

Members:
Bonn Andrei Namo
Hexon Galbert Millan
Kurt Cleven Cristales







🛡️ “𝙇𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣, 𝙇𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨 𝙣𝙖 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣.” 🏫💙Ang paaralan ay dapat maging lugar ng kaligtasan, pagkatuto, at pag-asa—h...
31/08/2026

🛡️ “𝙇𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣, 𝙇𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨 𝙣𝙖 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣.” 🏫💙

Ang paaralan ay dapat maging lugar ng kaligtasan, pagkatuto, at pag-asa—hindi ng takot at pangamba. Sama-sama nating labanan ang bullying, karahasan, at anumang banta sa kaligtasan ng kabataan. 💙

Sa pamamagitan ng pakikinig sa mga mag-aaral, paggabay ng mga magulang, pagtutulungan ng mga g**o, at agarang pagsasabi kapag may napapansing banta o panganib, sama-sama nating mapapanatiling ligtas ang ating paaralan. 👨‍👩‍👧‍👦👩‍🏫🤝

Magsalita. Makialam. Tumulong. Dahil sa simpleng pag-aalaga at pagiging alerto, maaari tayong makatulong na maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng bawat isa. 🛡️🕊️

S.C.H.O.O.L.
S — Stay Safe
C — Care for Others
H — Help and Speak Up
O — Offer Support
O — Observe
L — Learn Safety

Bantayan ang paaralan, protektahan ang kinabukasan. 🏫💙

🖼️: Tumugdan, A.
🖋️: Veñegas, E.
Rafols. R


🧠💚 “𝙈𝙖𝙡𝙞𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙃𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜, 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤.” 🌱✨Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para magpahinga, pakikipag-usap sa mga...
31/08/2026

🧠💚 “𝙈𝙖𝙡𝙞𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙃𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜, 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤.” 🌱✨

Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para magpahinga, pakikipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan natin, pag-aalaga sa ating sarili, at pagbibigay-halaga sa ating nararamdaman, unti-unti nating napapalakas ang ating mental health. 🫂🌿

Hindi kailangang maging maayos agad ang lahat. Normal lang mapagod, malungkot, ma-overwhelm, o magkaroon ng mga araw na hindi tayo okay. Ang mahalaga ay hindi natin kinakalimutang alagaan ang ating sarili at humingi ng tulong kapag kailangan. 💚

Sa bawat maliit na hakbang—isang pahinga, isang bukas na pag-uusap, o isang araw na pinipili nating maging mabuti sa ating sarili—may nabubuong malaking pagbabago. 🌱✨

Alagaan natin ang ating mental health dahil mahalaga ang ating kapakanan. Sama-sama nating gawing mas ligtas, mas maunawain, at mas supportive ang ating komunidad—kung saan walang kailangang harapin ang kanilang pinagdadaanan nang mag-isa. 💚🧠🌎

🖼️: Yosep Carlo Alpeche
🖋️: Sherwin Jay Remegio
: Aldrin Dean Padura


🌱 "𝙈𝙖𝙡𝙞𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙃𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜, 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤” 🌍💚Sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, tamang paghihiwalay ng basura, pagbaba...
31/08/2026

🌱 "𝙈𝙖𝙡𝙞𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙃𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜, 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤” 🌍💚

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, tamang paghihiwalay ng basura, pagbabawas ng paggamit ng plastik, at pagtitipid sa tubig at kuryente, sama-sama nating mapapangalagaan ang ating kalikasan. 🌳♻️💧

Hindi kailangang maging malaki agad ang ating ginagawa. Sa bawat maliit na hakbang at responsableng gawain, nakatutulong tayo upang mapanatiling malinis, ligtas, at luntian ang ating kapaligiran. 🌿✨

Alagaan natin ang kalikasan ngayon, dahil ang bawat kilos natin ay may epekto sa kinabukasan. Sama-sama nating gawing mas maaliwalas, mas malinis, at mas luntiang lugar ang ating mundo—para sa atin at sa mga susunod na henerasyon. 💚🌎

🖼️: Justin Plameras
🖋️: John Riley Davin, Daniel Gomawa


Address

Sibalom
5700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LeibniZianz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category