DepEd Janagdong 2 Elementary School

Directions Contact the school

DepEd Janagdong 2 Elementary School non-central school
offers kindergarten to grade 6

HAPPIEST BIRTHDAY to our dearest co-teacher Ma'am Francis Obogne.🥰On your special day, We wish you a life filled with ha...
14/07/2026

HAPPIEST BIRTHDAY to our dearest co-teacher Ma'am Francis Obogne.🥰

On your special day, We wish you a life filled with happiness, good health, love, and countless blessings. May every new day bring you closer to your dreams and fill your heart with peace and gratitude. Thank for sharing your kindness, talent and ability with those around you.

May God continue to guide and protect you, grant you wisdom and strength, and bless you with many more joyful and meaningful years to come.

Enjoy your celebration and make beautiful memories with your family and friends. You deserve all the happiness today and always.

TINGNAN!Ang Janagdong 2 ELementary School ay malugod na nakikiisa sa pagdriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo 2026...
08/07/2026

TINGNAN!
Ang Janagdong 2 ELementary School ay malugod na nakikiisa sa pagdriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo 2026. Ang selebrasyon ng nutrisyon ay may temang, "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat! Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!" Ang tema ay may layuning mapalakas ang ating pangangalaga sa kalikasan dulot ng climate changes sa buong mundo at upang mapanatili natin ang pagkakaroon ng masusustansyang pagkain sa ating bakuran at hapag. Layunin din nito na maipaunawa sa mga kabataan ang kahalagahan ng ating kalikasan sa patuloy na pagbibigay ng pagkain.

“Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”






Tingnan!Ang paaralan ng Janagdong 2 ay nakikiisa sa SDO DepEd Quezon Province upang paigtingin ang kaligtasan at segurid...
29/06/2026

Tingnan!
Ang paaralan ng Janagdong 2 ay nakikiisa sa SDO DepEd Quezon Province upang paigtingin ang kaligtasan at seguridad ng bawat mag-aaral, g**o at kawani ng paaralan.

Masusing ipinagbabawal ang pagdadala ng mga sumusunod:
🚫Firearms and ammunition
🚫bladed weapons
🚫Explosives and Hazardous Materials
🚫Illegal Drugs
🚫Alcoholic Beverages
🚫Vaping Devices
🚫Any Item that may jeopardize safety

ANG KALIGTASAN NG LAHAT AY LAGING PRIORITY AT RESPONSIBILTY

Learners, parents and guardians, teachers and personnel should follow instructions and prohibitions.

Ligtas na Paaralan, Protektadong Mag-aaral
Protektadong Mag-aaral para sa Matatag na KInabukasan.

📢 OFFICIAL ADVISORYPagbabago ng Opisyal na Pangalan ng page ng PaaralanMagandang araw, mga magulang, mag-aaral,...
29/06/2026

📢 OFFICIAL ADVISORY
Pagbabago ng Opisyal na Pangalan ng page ng Paaralan

Magandang araw, mga magulang, mag-aaral, g**o, kawani, at mga katuwang ng paaralan!

Alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026 – Media Management Guidelines, na naglalayong palakasin ang maayos, responsable, at opisyal na pamamahala ng mga social media platforms ng Department of Education, ipinababatid ng Janagdong 2 Elementary School ang pagbabago ng pangalan ng ating opisyal na page.

Mula sa dating pangalan na:

“DepEd Tayo Janagdong 2 Elementary School-Sariaya West Quezon Province”

ay gagamitin na ang bagong opisyal na pangalan:

“DepEd Janagdong 2 Elementary School”

Ang pagbabagong ito ay bahagi ng patuloy na pagsunod ng paaralan sa mga alituntunin ng DepEd sa paggamit ng opisyal na social media accounts upang mas maging malinaw, maayos, at angkop ang pagpapalaganap ng mga impormasyon, programa, anunsyo, at tagumpay ng ating paaralan.

Paalala sa lahat na ang DepEd Janagdong 2 Elementary School ang magsisilbing opisyal na daluyan ng mga komunikasyon ng paaralan. Inaasahan ang patuloy ninyong suporta at pakikiisa upang mapanatili ang ligtas, responsable, at makabuluhang paggamit ng social media.

Maraming salamat sa inyong tiwala at patuloy na pakikipagtulungan.

Para sa impormasyon at gabay ng lahat.

– Pamunuan ng Janagdong 2 Elementary School
DepEd Janagdong 2 Elementary School



HAPPIEST BIRTHDAY to our dearest school head Ma'am Erma Marcaida. On this special day, we extend our warmest greetings a...
05/06/2026

HAPPIEST BIRTHDAY to our dearest school head Ma'am Erma Marcaida.

On this special day, we extend our warmest greetings and heartfelt wishes to you. Thank you for your outstanding leadership, dedication, and unwavering commitment to the success of our school and the welfare of every learner, teacher, and stakeholder.

May this birthday bring you abundant happiness, good health, peace of mind, and countless blessings. May you continue to inspire others through your wisdom, compassion, and passion for education. We are grateful for your guidance and for being a remarkable leader who makes a positive difference in our school community.

Wishing you a wonderful celebration filled with love, joy, and memorable moments with your family and loved ones.

Enjoy your day Ma'am🎂🎂🎂🧁
From your J2ES family.❤️❤️❤️

TINGNAN|CITIZEN'S CHARTERDM-OUHRODI-2026-1133 (In continued compliance to RA 11302 or the Ease of Doing Business and Eff...
02/06/2026

TINGNAN|

CITIZEN'S CHARTER

DM-OUHRODI-2026-1133 (In continued compliance to RA 11302 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 which mandates all offices to establish and maintain current and updated service standards through their respective Citizen’s Charters (CC), DepEd Quezon shall update its Citizen’s Charter in alignment with the DepEd Citizen’s Charter
2026 Edition.)

Ito ay isang opisyal na dokumento o gabay na naglalaman ng lahat ng impormasyon sa mga serbisyo ng isang ahensya ng gobyerno o lokal na pamahalaan. Layunin nitong ipaalam sa publiko ang kanilang mga karapatan at mga pamantayan sa pagbibigy-serbisyo.

Makikita sa loob nito ang
*Mga Serbisyo
*Mga Hakbang
*Mga kailangan
*Bayarin
*Oras ng Pagproseso
*Responsableng Tao
*Paggalang at Reklamo

Ang paaralan ng Janagdong 2 handang maglingkod ng may katapatan, tunay na serbisyo at totoo.



TINGNAN|DAY 2-BRIGADA ESKWELA KICK OFF 2026Matagumpay na naisagawa sa Janagdong 2 Elementary School ang Brigada Eskwela ...
02/06/2026

TINGNAN|

DAY 2-BRIGADA ESKWELA KICK OFF 2026

Matagumpay na naisagawa sa Janagdong 2 Elementary School ang Brigada Eskwela Kick off. Ito ay pinangunahan ng masipag at mabait na School Head-Gng. Erma C. Marcaida, mga G**o, GPTA, guradians and parents, BFP Sariaya Quezon-FO2 Nikko Angelo O. Morales at FO1 MC Daryll V. Gonzaga, Mga Kagawad ng Sangguniang Barangay ng Janagdong 2-Konsehal Juan Suasola, Konsehal Donato Magtibay, Konsehal Cesario Mayuga, Konsehal Conrado Barola at Konsehal Juan De Chavez, SK konsehal-Jillian Aguilan, Kaye Rosales at Jay Barola, SELG committee, YES O, BKD organizations.

Ang inyong pakikiisa sa mahalagang gawaing ito ay tunay na kasiya-siya. Ito rin ay nagding daan upang matagumpay naming maihanda ang paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa panuruang 2026-2027.

MARAMING SALAMAT PO.

"BAYANIHAN SA PAARALAN: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman".





TINGNAN|Matagumpay na pinasimulan ang unang araw ng Brigada Eskwela 2026 sa paaralan ng Janagdong 2. Nakiisa ang Bantay ...
01/06/2026

TINGNAN|
Matagumpay na pinasimulan ang unang araw ng Brigada Eskwela 2026 sa paaralan ng Janagdong 2. Nakiisa ang Bantay barangay ng Janagdong 2 mula sa sitio Sinegwelasan at sitio Labak upang maisaayos ang bahaging likuran ng paaralan. Nakipagtulungan din ang ilang 4ps members at mga magulang upang matiyak ang kahandaan ng paaralan. Naging munting bayani rin ang mga kabataan sa pangunguna ng SELG at iba pang club members.

Ang kanilang boluntaryong paglilingkod ay isang patunay ng tunay na diwa ng bayanihan at malasakit para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paaralan at komunidad, masisig**o nating magiging ligtas, maayos, at handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng School Year 2026–2027.

Maraming salamat po sa inyong suporta, pakikiisa, at walang sawang pagtulong. Ang inyong kontribusyon ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng ating Brigada Eskwela.

💙 Bayanihan para sa Matatag na Paaralan!






BRIGADA ESKWELA 2026: "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kalinisan at Kaalaman".Ang Janagdong 2 Elementary Schoo...
28/05/2026

BRIGADA ESKWELA 2026: "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kalinisan at Kaalaman".

Ang Janagdong 2 Elementary School ay muling kumakatok sa inyong mga puso upang makiisa sa bayanihan para sa paaralan upang maihanda ito sa nalalapit na panuruan. Ang pagkakaroon nang maayos at ligtas na paaralan para sa bata ay isang malaking factor upang mapaigting ang kagustuhan ng departamento at higit ng mga g**o at kawani ng paaralan na mabigyan ang kabataan ng dekalidad na edukasyon na patuloy nilang mapapaunlad sa paglipas ng panahon.

Naniniwala kami na ang malinis, ligtas at kaaya-ayang kapaligiran ay susi sa masigla at epektibong pagkatuto. Kung kaya't kami ay taos-pusong NAG-AANYAYA sa lahat ng aming stakeholders:

Mga Magulang/Guardians
Alumni at mga dating G**o
Barangay opisyal at Lokal na pamahalaan
Mga Private Sectors at negosyante
Private Individuals/Volunteers

Ang inyong pakikiisa sa darating na Hunyo 1-5 ay magsisilbing daan upang mapagtagumpayan ng paaralan ang BRIGADA ESKWELA 2026.

Halina't magbayanihan, sama-sama para sa bayan, sama-sama para sa bata.

"Together, we can do Better"






Address

Sitio School Janagdong 2
Sariaya
4322

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Janagdong 2 Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Janagdong 2 Elementary School:

Shortcuts

Share

Category