Deped Tayo Bignay II Elementary School

Deped Tayo Bignay II Elementary  School Bignay II ES located at sitio sampaguita brgy. Bignay 2 sariaya quezon

TINGNAN|📣 OPLAN BALIK ESKWELA 2026 📚  Bignay II Elementary SchoolMagandang araw, mga magulang at mag-aaral! 💙Inaanyayaha...
06/05/2026

TINGNAN|📣 OPLAN BALIK ESKWELA 2026 📚
Bignay II Elementary School
Magandang araw, mga magulang at mag-aaral! 💙
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Oplan Balik Eskwela 2026 na gaganapin mula Mayo 4–29, 2026. Layunin ng programang ito na matiyak ang maayos, ligtas, at handang pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027.
📌 Mahahalagang Petsa:
🗓️ Oplan Balik Eskwela: May 4–29, 2026
🧹 Brigada Eskwela: June 1–5, 2026
🎒 Opening of Classes: June 8, 2026
🎯 Tema:
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
👨‍👩‍👧‍👦 Inaanyayahan ang mga:
✔️ Magulang
✔️ Mag-aaral
✔️ G**o
✔️ Miyembro ng komunidad
na makiisa at magtulungan upang maihanda ang ating paaralan para sa ligtas at maayos na pagbabalik-eskwela.
💡 Sama-sama nating isulong ang isang paaralang:
✔️ Malinis
✔️ Ligtas
✔️ Maayos
✔️ Handa para sa kinabukasan ng kabataan

📣 Makilahok, Makibahagi, at Makiisa!
💙 Bawat bata, bawat araw—handa sa pagkatuto!



TINGNAN|Another pride of BIGNAY II ELEMENTARY SCHOOL.CONGRATULATIONS,sir JECRIFEL C. MANALO,Phd for being qualified in t...
05/05/2026

TINGNAN|Another pride of BIGNAY II ELEMENTARY SCHOOL.

CONGRATULATIONS,sir JECRIFEL C. MANALO,Phd for being qualified in the Region IV-A E-Journal Publication through his Research Title: Letra at Tunog sa Pagkatuto Workbook:Supplementary tool in Increasing the Level of Letter Recognition of Kindergarten Learners.

This achievement reflects your exemplary dedication,hardwork and significant contribution to the field of education. Your entire BIIES family takes pride in this milestone.

May you continue to inspire through your hardwork.Your BIIES fam is truly proud of you!

Congratulations again, sir JECRIFEL C. MANALO,Phd


TINGNAN| LUBOS NA PASASALAMATAng pamunuan ng BIGNAY IIES sa pangunguna ni mam Jean Lara D. Caraig,  ay lubos na nagpapas...
12/04/2026

TINGNAN| LUBOS NA PASASALAMAT

Ang pamunuan ng BIGNAY IIES sa pangunguna ni mam Jean Lara D. Caraig, ay lubos na nagpapasalamat sa masipag,maganda at mabait na Panauhing Pandangal at PTA President ng BIIES Gng. Maria Victoria Arzadon sa kanyang kaloob na handog sa ating paaralan. Tunay na walang hanggang pasasalamat ang ipinapaabot sa inyo ng pamunuan ng paaralan. Ang hatid po ninyong handog sa paaralan ay siguradong tatak sa kasaysayan ng paaralan ng Bignay IIES at kailan may hindi malilimutan.🥰
Muli LUBOS NA PASASALAMAT ang hatid ng pamunuan ng BIIES.


TINGNAN| MARCH 30,2026Ika-57 na PagtataposIsang makabuluhan at matagumpay na pagtatapos ang naganap sa Bignay II Element...
12/04/2026

TINGNAN| MARCH 30,2026

Ika-57 na Pagtatapos

Isang makabuluhan at matagumpay na pagtatapos ang naganap sa Bignay II Elementary School. Ang mahalang okasyon na ito ay dinaluhan nina Doctor Arlene R. Dinglasan, bilang Confirming Officer,Engr.Victor Alviso,bilang kinatawan ng Punongbayan,Gng. Maria Victoria Arzadon,bilang panauhing pandangal,Kgg.Kapitan Edgardo A. De Chavez kasama ang kanyang sanggunian at mga magulang.
Ang buong pamunuan ng BIIES sa pangunguna ng aming punongg**o I mam Jean Lara D. Caraig ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa mahalang okasyon na ito.

Para sa mag-aaral na nagsipagtapos PAGBATI sa inyong lahat!Nawa'y patnubayan kayo ng inyong mga pangarap na binuo sa inyong paaralan at nawa'y maging inspirasyon din kayo ng inyong kamag-aaral at ng inyong komunidad.

Muli PAGBATI sa inyong lahat.


TINGNAN| March 30,2026Isang matagumpay na  Ika -14 na Paglilipat Antas ng Kindergarten ang ginanap ng Bignay II ES na di...
12/04/2026

TINGNAN| March 30,2026
Isang matagumpay na Ika -14 na Paglilipat Antas ng Kindergarten ang ginanap ng Bignay II ES na dinaluhan ni Kgg. Kapitan Edgardo A. DeChavez kasama ang sangguniang baranggay.Pinangunahan ito ng mga g**ong tagapayo sa Kindergarten, Doctor Jecrifel C. Manalo at Mam Jessica Endaya sa patnubay ng punongg**o I ng BIIES mam Jean Lara D. Caraig.

MABUHAY ANG MGA BAGONG MAG-AARAL NG ELEMENTARYA!
Taos-pusong pagbati sa mga batang Kindergarten na nakapagtapos at nakapaglipat antas sa Bignay II Elementary School

Nawa'y patuloy kayong mag-aral nang mabuti at magbigay ng karangalan sa inyong pamilya at paaralan.

Maraming salamat sa mga g**o at magulang sa inyong walang-sawang suporta!

📍 Bignay II Elementary School | Sariaya West District

TINGNAN|GAWAD SINAGPAGKILALA SA MGA NATATANGING G**O NG BIIES!Pinangunahan ni , Mam Jean Lara D. Caraig,principal I at s...
12/04/2026

TINGNAN|GAWAD SINAG

PAGKILALA SA MGA NATATANGING G**O NG BIIES!
Pinangunahan ni , Mam Jean Lara D. Caraig,principal I at sa tulong ng AO II,Mam April Rose Dinglasan ang pag-gagawad ng pagkilala sa mga g**ong nagpakita ng natatanging husay at dedikasyon sa pagtuturo at paghubog ng mga mag-aaral sa Bignay II Elementary School.

Taos-pusong pasasalamat sa inyong walang-sawang pagtuturo at pagmamahal sa propesyon. Kayo ang tunay na dahilan ng pag unlad ng bawat kabataan!

Maraming salamat, mga g**o ng BIIES, sa inyong serbisyo at inspirasyon!

📍 Bignay II Elementary School | Sariaya West District
**oNgBIIES

TINGNAN| MARCH 27,2026ARAW NG PAGKILALA 2026: PAGBATI SA HUSAY NG MGA MAG-AARAL NG BIIES!Sa pangunguna ni mam Jean Lara ...
12/04/2026

TINGNAN| MARCH 27,2026

ARAW NG PAGKILALA 2026: PAGBATI SA HUSAY NG MGA MAG-AARAL NG BIIES!

Sa pangunguna ni mam Jean Lara D. Caraig,Punongg**o I ng BIIES,kasama ang mga masisipag na g**o ng paaralan,at dinaluhan ng Sangguniang baranggay ng bignay 2 sa pangunguna ni Kgg. Kapitan Edgardo A
De Chavez,isinagawa ang isang makulay at masayang seremoniya, kung saan kinilala ang mga mag-aaral na nagpakita ng kahusayang akademiko at natatanging gawa sa Bignay II Elementary School.
Taos-pusong pagbati sa mga batang nagpamalas ng gawang hindi matatawaran! Patuloy kayong magsumikap at magin inspirasyon sa inyong kapwa mag-aaral.

Maraming salamat sa mga g**o, magulang, at buong komunidad ng BIIES sa patuloy na suporta!

📍 Bignay II Elementary School | Sariaya West District

TINGNAN|MABUHAY ANG MGA NATATANGI NG BIIES!!!Taos-pusong pagbati sa mga g**ong nagwagi sa Gawad SINAG 2026 mula sa Bigna...
25/03/2026

TINGNAN|MABUHAY ANG MGA NATATANGI NG BIIES!!!
Taos-pusong pagbati sa mga g**ong nagwagi sa Gawad SINAG 2026 mula sa Bignay II Elementary School!

Sa inyong sipag, talino, at dedikasyon, patuloy ninyong inaangat ang antas ng edukasyon sa ating paaralan. Kayo ang tunay na *SINAG* ng pagbabago at inspirasyon sa mga mag-aaral!

Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagtuturo at pagmamahal sa propesyon. Nawa’y patuloy kayong magningning sa inyong mga nasasakupan!

🎉 Congratulations din sa BIIES sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon!

📍 Bignay II Elementary School | Sariaya West District

TINGNAN| Ang Bignay II Elementary School ay  nakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026!Bilang bahagi ng se...
25/03/2026

TINGNAN| Ang Bignay II Elementary School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026!
Bilang bahagi ng selebrasyon ngayong Marso, nagsagawa ang paaralan ng mga gawaing nagtataguyod ng *pagkakapantay-pantay, respeto, at pagkilala* sa ambag ng kababaihan sa tahanan, paaralan, at komunidad.

Maraming salamat sa mga g**o at mag-aaral na nakiisa. Patuloy nating isulong ang isang ligtas at inklusibong paaralan para sa lahat!

📍 Bignay II Elementary School | Sariaya West District

Bignay II Elementary School, nakiisa sa Simultaneous Earthquake Drill!Matagumpay na lumahok ang Bignay II Elementary Sch...
17/03/2026

Bignay II Elementary School, nakiisa sa Simultaneous Earthquake Drill!
Matagumpay na lumahok ang Bignay II Elementary School sa isinagawang Simultaneous Earthquake Drill* ngayong Marso 11, 2026, 9:00 AM.

Ginabayan ng mga g**o, sabay-sabay na isinagawa ng mga mag-aaral ang “Duck, Cover, and Hold”, maayos na lumikas patungo sa designated evacuation area, at sumunod sa headcount at safety protocols. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan, disiplina, at kaligtasan ng bawat isa sa oras ng lindol.

Maraming salamat sa ating mga g**o, at learners, sa pakikiisa. Laging tandaan: Ligtas ang may alam!

📍 Bignay II Elementary School | Sariaya West District

MATAGUMPAY NA LAC SESSION SA FIRST AID|Matagumpay na isinagawa ang Learning Action Cell (LAC) session tungkol sa First A...
17/03/2026

MATAGUMPAY NA LAC SESSION SA FIRST AID|
Matagumpay na isinagawa ang Learning Action Cell (LAC) session tungkol sa First Aid sa pangunguna ni Nurse Lavinia Cueto, District Nurse II ng Sariaya West District, noong Marso 16, 2026 sa BIGNAY II ELEMENTARY SCHOOL.

Tinalakay ang mga pangunahing kaalaman sa paunang lunas — pagtatasa ng kaligtasan ng eksena, tamang pagtawag ng tulong, pagkontrol ng pagdurugo, paglilinis at pagtatakip ng sugat, at tamang pagresponde sa pagkabali, pilay, pagkapaso, at pagkahimatay/choking.

Maraming salamat kay Nurse Lavinia Cueto sa malinaw at praktikal na pagbabahagi. Mas handa na tayo para sa mas ligtas na learning environment

Address

Sariaya
4322

Telephone

+639077684276

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped Tayo Bignay II Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Deped Tayo Bignay II Elementary School:

Shortcuts

Share

Category