24/08/2026
โ๐โค๏ธPANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBOโค๏ธ๐
โ
โAng Tagen Elementary School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo, ating kilalanin, igalang, at ipagdiwang ang mahalagang ambag ng mga Katutubo sa ating lipunan. Ang kanilang kultura, wika, tradisyon, sining, paniniwala, katutubong kaalaman, at mga kaugaliang minana sa ating mga ninuno ay mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan at kasaysayan ng ating bansa.
โ
โAng mga Katutubo ay hindi lamang tagapag-ingat ng mga tradisyon ng nakaraanโsila rin ay mahalagang katuwang sa paghubog ng mas makatarungan, makabuluhan, at makulay na kinabukasan. Ang kanilang kaalaman tungkol sa kalikasan, pamayanan, kabuhayan, at tradisyunal na paraan ng pamumuhay ay mga yaman na dapat kilalanin, protektahan, at ipasa sa susunod na henerasyon.
โ
โSa paaralan at sa ating mga pamayanan, mahalagang isulong ang paggalang sa pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng mga Katutubo.Bigyang-halaga natin ang kanilang tinig, pagkakakilanlan, at karapatan na mapanatili ang kanilang kultura at tradisyon.
โAng kultura ng mga Katutubo ay yaman ng ating bayan.
โIpinagmamalaki natin ito. Pangalagaan natin ito. Igalang natin ito. At sama-sama natin itong ipasa sa susunod na henerasyon.
โ
โMlawil Tribu Blaan Klamang Banwรฉ!๐ฟ๐คโค๏ธ
โ
โ โ
โ
โ
โ โ
โ
โ
โ