26/11/2021
3P's: Pagbibigay para sa Proteksyon at Pagbabago Hatid Ng " PAHALIPAY CENTER" Ng Patuko Integrated School
Muling inilunsad Ng Patuko Integrated School Ang programang "PAHALIPAY CENTER" Ang naturang program a ay naglalayong mabigyan Ng tulong at makapaghatid Ng saya sa mga magulang at mag-aaral sa kabila Ng kinakaharap na hamon Ng pandemya.
Ito ay pormal na sinimulan noong unang Quarter Ng S.Y. 2021-2022 September 3.Na pinangungunahan Ng Punong g**o na SI Ginoong Manuel D. Camahalan at mga masigasig na mga g**o Mula elementarya Hanggang sekondarya.Ang programang ito Ang dinaluhan Ng mga magulang kung saan sila nakatanggap Ng Alcohol, facemask,at iba pang kagamitang magamit sa pag aaral at nabigyab Ng pagkakataony pumili Ng mga damit sa "ukay ukay Corner"
Ang "PAHALIPAY CENTER" ay naging matagumpay at napagkasunduang ipagpatuloy Ang pamimigay tuwing markahan upang lalong maging masigasig Ang mga magulang sa pagkuha Ng modyul.
Ang Patuko Integrated School ay patuloy na nangangalap Ng karagdagang pondo Mula sa stakeholders at mga pribadong indibidwal upang maipagpatuloy Ang nasimulang programa.