28/08/2026
๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ, ๐ญ๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ข๐๐ข๐ง๐ข๐๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ ๐ ๐๐๐๐
Tampok ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang departamento ng NISU sa Sara, lahat ay dumalo sa selebrasyon ng Buwan ng Wika na may temang "Wikang Filipino At AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," sa Bulwagang Pampalakasan ng Pamantasan, Agosto 28, 2026.
Layunin ng programang maghatid ng impormasyon at pagpapahalaga sa Wikang Pambansa lalo na sa panahon ng makabagong teknolohiya kung saan mas dumarami ang gumagamit ng Artificial Intelligent (AI).
"Sa panahong kayang sagutin ng AI ang maraming tanong, maging kabataang pilipinong marunong maging mapagtanong, masunurin, at mag-isip, sapagkat ang teknolohiya ay kasangkapan lamang. Ngunit ang talino at puso ng pilipino ang tunay na lumilikha ng pagbabago," saad ni Prop. Marlon J. Calseรฑa Tagapayo, FLP.
Tampok dito ang iba't ibang patimpalak na itinanghal ng mga mag-aaral sa pangunguna ng Supreme Student Council(SSC), Future Leaders of the Philippines (FLP), at iba pang mga organisasyon sa tulong ng Pangulo ng Unibersidad Dr. Raffy B. Chavez, kagaya na lamang ng Pagkukuwento, Madasig nga Dula, Radyo Naton, at Tingog Naton.
Sa kanyang pagtatapos na mensahe, ipinaalala ni Ms. Maybel C. Francisco , Direktor ng OSAS sa mga mag-aaral ang tunay na halaga ng wika. Ayon sa kanya, higit pa sa pagiging kasangkapan sa komunikasyon ang wika. Ito ang humuhubog sa ating pagkatao at nagbubuklod sa ating pagka-bansa.