Sta Elena Elementary School

Sta Elena Elementary School

Share

District of Sto. Tomas South, Province of Batangas

25/08/2021

Tara na! Brigada na!♥️

13/07/2021

Mga magulang, mga batang magsisipagtapos, mga g**o at mga panauhin, kayo po ay malugod naming inaanyayahan na tunghayan ang ika-30 Taong Pagtatapos sa Hulyo 14, 2021 sa ganap na ika 10:00 ng umaga via Google Meet.

08/08/2020

Inaanyayahan po ang lahat na makilahok sa ating First Virtual Orientation bukas, August 9, 2020 ganap na ika 3 ng hapon. Marami po salamat! Keep safe and Godbless!

Ito po ang ating link na gagamitin bukas.
https://meet.google.com/yar-eeqf-jia

04/08/2020

Suportahan natin ang DepEd at ang mga g**o sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto. Wag natin pagtawanan ang mga g**o sa panawagan sa bond paper at ink donations para sa modules. Kung sa sahod lang nila manggagaling ang printing expenses ng mga modyul, wala na sa kanilang matitira.
Halimbawa: kung sa isang klase ay may 30 mag-aaral; na may pitong (7) subjects; na magpoprovide ng module at least 5 pahina per week; at halimbawa na lang na P1.00 ang presyo ng printing per page.
(1 class X 30 students X 7 subjects X 5 pages X P1.00/page)= P 4,200.00

P4,200 ang magagastos para sa isang section pa lang para sa isang linggo (take note na di lang 5 pages ang laman ng modules per subject, minsan higit pa sa 10 pages per module). Kaya kung may sampong (10) sections per school, P4,200 na iyon sa isang linggo. i-multiply natin sa apat (4) na linggo bawat buwan =P42,000.00 na iyon. Kung walong (8) buwan ang school year ngayon, gagastos ang isang school ng P336,000.00 para sa printing ng mga modyul.
Isang school pa lang iyan. Libo-libo ang schools sa buong Pilipinas.

Kaya tulungan natin sila sa kanilang hinihinging suporta. Wag natin silang pagtawanan kung ayaw natin silang tulungan.

Para sa mga Estudyante📄📇
Be a PARTNER, Be a DONOR😇

~BONDPAPER AT INK, para sa MODYUL/ Activity Sheets

Maraming salamat po in advance. 🙏🙏🙏

19/06/2020

Congratulations, Kids! ❣️

01/06/2020

Eto ang sagot sa mga kumakalat na "Dear DEPED"

Para Po Sa Mga Magulang Na May Mga Katanungan:

1. Tanong: "Bakit ba kasi nagmamadaling magpapasok sa August 24 alam namang delikado pa?"

Sagot: No face to face learning po hangga't hindi ligtas. Pwede po sila mag home schooling, online learning at modular po. Napakarami na pong inilalatag na solusyon ng DepEd at hindi po "papasok" sa school ang mga bata--- sa bahay lamang po sila mag-aaral through "Distant Learning Modalities."

2. Tanong: "Paano ang mga batang may magulang na parehong nagtatrabaho?"

Sagot: Sa buong 24 oras po ba, nagtatrabaho po kayo? Hindi po ba kayang maglaan kahit isa hanggang dalawang oras para turuan o gabayan ang inyong anak? Hindi po ba bilang magulang ay kaakibat na po nun ang responsibilidad na gabayan at turuan sila kapag nasa tahanan? Sa totoo lang naman po kasi, kahit naman po talaga noong wala pang virus ay problema na talaga ang "follow up" sa bahay. Kahit anong pakiusap ng g**o na i-follow up ang anak sa bahay, papasok pa rin si bata nang walang homework, walang project.🥺Nakalulungkot po ito😢. Kasi po ang totoo, gusto ng karamihang mga magulang (inuulit ko po--- karamihan, HINDI po lahat), iasa sa g**o ang lahat. Ang katwiran po nila sumasahod si titser para magturo. Opo, totoo naman po responsibilidad po ng mga g**ong magturo . Pero hindi po ba't dapat magkaagapay si titser at nanay/tatay para turuan si bata? At mas higit ang oras ni bata kasama ang magulang kaysa kay teacher (lalo na po ngayon).👍

3. "Paano naman ang mga magulang na walang pambili ng gadget o pangpakabit ng internet o walang panload ng data?"

Sagot: Hindi po kayo inoobliga ni DepEd na bumili ng anumang gadgets. Kaya nga po magkakaroon ng printed modules na libre po. Opo, printed modules na libre o free. Pag- aaralan at sasagutan na lang ni bata sa paggabay po ng magulang at g**o.

4. Tanong: E paano po yung mga batang "No Read, No Write" ang mga kasama sa bahay, paano po nila gagabayan ang mga bata kung sila po mismo ay walang alam?...napaka-imposible naman po ng gusto ng DepEd!

Sagot: Kaya nga po, inaalam namin ngayong buong panahon ng enrolment (June 1-30) ang totoong sitwasyon ng bawat bata at tahanan. Kapag po si bata ay walang kasamang pwedeng magturo sa kanya,ang ibibigay po namin sa kanya ay "free modules" o SLK (Self- learning Kit) na maaari po n'yang sagutang mag-isa at PAGGABAY na lang ng mas nakatatandang kasama sa bahay ang kailangan. 😊At maaari rin pong ang ganitong mga mag-aaral ay magkaroon ng "limited supervision" mula sa mga g**o. 👍

5. Final Decision ng Magulang: "Kahit anong sabihin n'yo, hindi ko pag-aaralin ang anak ko sa taong ito".

Sagot ng DepEd: OK po.👍 Desisyon n'yo po yan. Hindi naman po kayo pipilitin. Pero hindi po hihinto ang school year para sa inyong mga ayaw (unless magkaroon ulit ng bagong mandate o guidelines na pahintuin). Paano ang mga anak n'yo pag nagkataon?

6. "Bakit kasi hindi na lang sa September o next year buksan ang klase o kapag may vaccine na?"

Sagot: Sa September po ba o next year ay mawawala na ang virus? Pag po ba may vaccine na, ligtas na po sa COVID si bata at teacher? Kaya po, habang hinihintay nating magkaroon ng vaccine, nag-aalay po ang DepEd ng mga posibleng solusyon kung saan hindi malalagay sa panganib o kapahamakan si bata o si teacher dahil "safety first before anything else" ang ating dapat na panuntunan.😊👍😊 Dahil totoo na "mas mahalaga ang buhay kesa sa edukasyon" pero "Mas masarap mabuhay nang may Kaalaman" kaya kung kakayanin naman, bakit hindi po natin subukan?





31/05/2020

Welcome to the New Normal S.Y.2020-2021
Panawagan sa mga Magulang at mga Mag-aaral sa Sta Elena Purok ng Sto. Tomas South
Para sa kabatiran ng lahat


Para sa mga magulang/quardian...
Paano po ang proseso ng enrolment ngayong taon?

✅Sa unang dalawang linggo June1-12 ay remote enrollment o online enrollment. Hindi na kailangang magpunta pa sa school para ipaenroll ang inyong mga anak.
✅Sa ikatlo at ikaapat na linggo June15-30, maaring pumunta sa school o sa itinalagang lugar tulad ng barangay hall upang kumuha ng printed copy ng Learner Enrollment and Survey Form (LESF) bilang last resort sa pag eenrol

Paano po ang proseso ng enrollment sa unang dalawang linggo?

✅ Kayo po ay bibigyang impormasyon ng dating adviser ng inyong anak nitong nakalipas na school year dahil hindi pinapayagan ang face to face contact. Kokontakin kayo sa pamamagitan ng text, chat, phone call o iba pang pamamaraan para ipaaalam ang gagawing online enrollment.
✅Matapos nito, sagutan ang mga katanungan sa Learner Enrollment and Survey Form o LESF via link na ibibigay ng dating g**o ng inyong anak.
✅Kapag nasagutan na po ang lahat ng katanungan sa LESF, automatic nang enrolled ang iyong anak

Paano po kung nakasagot na sa printed copy ng enrollment form sa unang dalawang linggo?

✅ Hintayin po ang ikatlong linggo ng Hunyo upang maipasa ang enrollment form.
✅Maari rin pong picturan na lang ang enrollment form na nasagutan na at ipadala via email or messenger ng dating adviser ng inyong anak.

Paano po kung walang kakayahan sa online enrollment dahil walang gadget para rito, paano po makakaenrol?

Magkakaroon pa rin po ng pagkakataong makapag enrol at ito ay sa ikatlo at ikaapat na linggo bilang last resort ng pag eenrol

✅Bilang huling pamamaraan ng pag eenrol, mangyari pong kumuha ng printed copy ng LESF na available sa paaralan o sa itinalagang lugar tulad ng barangay hall na nakalagay sa dropboxes. ✅ Sa pagkuha ng printed copy, mangyaring bigyang halaga ang social distancing at iba pang pamantayang pinatutupad ng ahensya ng gobyerno para sa pag-iwas sa covid19 pandemic ✅Sagutan ang LESF at ibalik po ito sa lugar na pinagkunan ng enrollment form

Paano po makakaenrol kung balik-aral, transferee o sa ALS ang aking anak?

✅Makipag-ugnayan po sa paaralan na gustong pasukan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa Enrolment Focal Person (EFP) para malaman ang detalye kung paano makakaenrol ✅ Sundin ang sinabi ng EFP at sagutan ang LESF para makapag-enrol

SALAMAT po.

Want your school to be the top-listed School/college in Santo Tomas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Santo Tomas
4234