09/02/2026
BUWAN NG ENERO: ANG BATANG MATATAG, HINDI SUMUSUKO!
Buwan ng Enero, ipinagdiriwang ang Resiliency Month. Sa ating ginanap na programa, nagbahagi si Gng. Anabel P. Dalire ng isang makabuluhang mensahe tungkol sa tunay na kahulugan ng pagkamatatag.
Ayon sa kanya, ang daan patungo sa pagkamit ng pangarap—maging doktor, g**o, o sundalo man ito—ay hindi laging madali. Minsan ito ay masakit, mahirap, at nakakaiyak. Ngunit ipinaalala niya sa ating mga mag-aaral: “Ang mahalaga ay ang pagbangon at ang patuloy na paghakbang.”
Binigyang-diin din niya ang tatlong sikreto upang maging isang matatag na bata:
1️⃣ Huwag matakot magkamali – Ang pagkakamali ay pagkakataon para matuto.
2️⃣ Maniwala sa sariling kakayahan – Mas malakas ka kaysa sa iyong iniisip.
3️⃣ Huwag mahihiyang humingi ng tulong – May mga g**o at magulang na handang umalalay sa iyo.
Mga bata, huwag kayong bibitiw sa inyong mga pangarap dahil lamang sa isang pagkakataon na kayo ay nadapa. Ang mahalaga ay ang pagbangon at ang patuloy na paghakbang dahil bawat hirap ay nagpapatibay sa inyong kalooban.