10/06/2026
📌 PARENTS' CONVERGENCE 2026
Isang matagumpay at makabuluhang Parents' Convergence ang naisagawa sa pakikiisa at suporta ng ating mga magulang, g**o, at mga stakeholder. Ang gawaing ito ay nagsilbing daan upang higit pang mapagtibay ang ugnayan ng tahanan at paaralan tungo sa mas maayos at de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang na naglaan ng kanilang oras at aktibong nakibahagi sa programa. Ang inyong suporta at pakikipagtulungan ay mahalagang bahagi sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan.
Maraming salamat sa inyong lahat. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng isang ligtas, masaya, at de-kalidad na pagkatuto para sa bawat bata.
09/06/2026
📢 PAANYAYA SA PARENT'S CONVERGENCE 2026
Magalang pong inaanyayahan ng San Juan Elementary School ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makilahok sa gaganaping Parent's Convergence sa Hunyo 10, 2026, ganap na ika-8:00 ng umaga.
Layunin ng gawaing ito na higit pang mapagtibay ang ugnayan at pakikipagtulungan ng paaralan at mga magulang para sa ikauunlad ng pag-aaral at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Tatalakayin din ang mahahalagang programa, patakaran, at mga gawain ng paaralan para sa kasalukuyang taong panuruan.
Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang sama-sama nating masuportahan ang tagumpay at magandang kinabukasan ng ating mga anak.
📅 Hunyo 10, 2026
🕗 8:00 ng Umaga
📍 San Juan Elementary School
Inaasahan po namin ang inyong pagdalo. Maraming salamat po!
04/06/2026
A Heartfelt Thank You and Warm Welcome! 💙
San Juan ES extends its sincerest gratitude to Ma’am Lilibeth L. Cabrera for her invaluable support, guidance, and dedication to the continuous growth of our school and learners.
At the same time, we warmly welcome Sir Edwin C. Miranda, EddD as he joins our school. May your leadership, wisdom, and commitment inspire excellence and further strengthen our shared mission in providing quality education.
Together, let us continue building a brighter future for every learner.
02/06/2026
Maraming salamat po sa suporta sa Brigada Eskwela Day 2! 💙📚
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga stakeholders, magulang, g**o, volunteers, at mga katuwang sa komunidad na naglaan ng oras, lakas, at tulong upang maging matagumpay ang unang araw ng Brigada Eskwela. Ang inyong pakikiisa at malasakit ay malaking ambag sa paghahanda ng isang ligtas, malinis, at maayos na paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa mas magandang kinabukasan ng bawat bata!
02/06/2026
📢 PAANYAYA SA HULING ARAW NG BRIGADA ESKWELA 2026! 💙💚
Mga minamahal na magulang, stakeholders, alumni, SK officials at LGU, inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa huling araw ng Brigada Eskwela 2026 sa Hunyo 5, 2026.
Ano: Pagtatapos ng Brigada Eskwela
Kailan: Hunyo 5, 2026, alas-7:00 ng umaga
Saan: San Juan ES Gym
Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan upang maging handa, malinis, at ligtas ang ating paaralan para sa darating na pasukan. Ang inyong oras, lakas, at suporta ay malaking tulong para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
01/06/2026
Maraming salamat po sa suporta sa Brigada Eskwela Day 1! 💙📚
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga stakeholders, magulang, g**o, volunteers, at mga katuwang sa komunidad na naglaan ng oras, lakas, at tulong upang maging matagumpay ang unang araw ng Brigada Eskwela. Ang inyong pakikiisa at malasakit ay malaking ambag sa paghahanda ng isang ligtas, malinis, at maayos na paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa mas magandang kinabukasan ng bawat bata!
01/06/2026
Happy Birthday, Ma’am Ivie! 🎂🌷
Wishing you a day filled with happiness, love, and countless blessings. Thank you for your dedication, patience, and passion in teaching and inspiring your students every day. Your hard work and kindness make a positive difference in the lives of many.
May this special day bring you joy, good health, and success in all that you do. Enjoy your celebration and have a wonderful birthday!
Happy Birthday, Ma’am Ivie! 🎈
24/05/2026
📚✨ 𝗢𝗽𝗹𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨📚
15/05/2026
Maraming salamat po sa naging sponsor ng meryenda ng mga batang nasa Aral Summer Program sa loob ng isang linggo. Ang inyo pong suporta ay malaking tulong sa pagkatuto ng mga bata. 💙