08/05/2026
*Day One: Ang Unang Sabak ni Serb*
Day one pa lang ni Serb sa trabaho kay SG Ancheta. Wala pa siyang alam sa rules at regulations. First duty niya, CO9, 12 hours day shift.
Pagpatak pa lang ng unang dalawang oras, tinamaan na siya ng antok. Hindi nakatiis, nakatulog siya sa post. Pagkagising, naisipan niyang mag-rubing. Siguro mga 30 minuto rin โyun. Pagbalik niya sa watch tower, antok na naman. Tulog ulit. Bago pa matapos ang shift, nagising siya. Natapos din ang 12 oras.
Pagbaba niya, may kasunod agad. DO27 naman, 12 hours night shift. Hinatid siya ng SIC sa area. Konting briefing lang, tapos iniwan na siyang mag-isa. Walang kasama.
Lumipas ang isang oras, inaantok na naman si Serb. Ayun, tulog na naman. Pagkagising matapos ang ilang oras, rubing ulit. Mga 45 minuto siguro. Balik sa shelter, pahinga, tulog na naman. Bandang 3am nagising siya. Naghintay na lang hanggang matapos ang 12 hours na shift.
Natapos din. Deretso barracks para magpahinga. Isang araw siyang nagpahinga.
*E30 at ang Pagkikilala kay Buddy Lanusa*
April 30, pasok ulit si Serb. Hindi pa niya alam kung saan ang E30. Hinatid siya doon. 12 hours day shift naman.
Dito niya nakilala si Buddy Lanusa. Taga-Sto. Domingo lang din pala, sa Sanfibian. Nag-briefing saglit si Buddy Lanusa. Galing pa siya sa 36 hours na duty, kaya pagka-briefing, umalis na rin.
Nagsimula na si Serb sa shift. Lumipas ang ilang oras, rubing saglit. Pagbalik, kumain at nakipagkwentuhan sa mga engineer. Maya-maya, inaantok na ulit. Nakatulog, pero maaga rin nagising. Pag-uwi na ng mga workers, check ng bag saglit. Tapos na. Naghintay na lang siya ng kapalitan. Dumating na ang reliever niya. Uwi na si Serb.
Pagkauwi sa barracks, tulog agad. Sa sobrang pagod, hindi na siya nakapasok nang dalawang araw.
*Ang 36 Hours at si Buddy Tores*
April 2, pasok ulit si Serb. 36 hours duty ang binigay sa kanya. Pumasok siya nang maaga para m