04/08/2026
๐๐ข๐ก๐ฆ๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐๐ช๐๐-๐ฆ๐๐๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐๐๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ๐
Alinsunod sa Memorandum Pansangay Blg. 76, s. 2026 na may pamagat na "Pansangay na Gawad-Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko sa mga Paaralan 2026," matagumpay na isinagawa noong 4 Agosto 2026 ang Pansangay na Onsite na Balidasyon sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Sto. Domingo. Isinagawa ito bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri at pagpapatunay sa mga inihandang pruweba at dokumento ng paaralan bilang pagtugon sa mga itinakdang pamantayan para sa Antas 1 ng programa.
Pinangunahan ni G. Allan M. Loterte, Punong Validator at Pansangay na Tagamasid sa Filipino, ang isinagawang onsite na balidasyon, katuwang si G. Ryan T. Casulang, kasaping validator at Pansangay na Tagamasid sa Mathematics, kasama si G. Kemuel Biton para sa dokumentasyon ng nasabing gawain. Ang kanilang pagbisita ay naging mahalagang bahagi ng komprehensibong pagtatasa sa kahandaan ng paaralan at sa antas ng pagsunod nito sa mga pamantayang itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Gawad-Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, bilang pagpapatibay sa kalidad ng serbisyong naipagkakaloob sa mga mag-aaral at iba pang stakeholder gamit ang wikang Filipino.
Sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Ellen B. Abarientos, EdD, Punong-g**o III, mainit na tinanggap ng pamunuan at mga kaguruan ng paaralan ang pangkat ng mga validator sa pangunguna nina G. Ismael B. Bozar Jr., Head Teacher III ng Departamento ng Filipino, Gng. Vilma Suarez, Head Teacher III ng Departamento ng Science, G. Vernie B. Longasa, Pampaaralang Tagapag-ugnay sa Filipino, at Bb. Tessa Flor R. Mergelino, Kalihim ng Pampaaralang Lupon sa Wikang Filipino.
Ang mahahalagang obserbasyon, puna, at rekomendasyong ibinahagi ng mga validator ay magsisilbing mahalagang gabay sa patuloy na pagpapaunlad ng mga programa, proseso, at serbisyong ipinagkakaloob ng paaralan. Higit sa lahat, ang isinagawang balidasyon ay nagpapatibay sa patuloy na pagtataguyod ng mga gawaing pangwika upang makapaghatid ng dekalidad na pampaaralang serbisyo katuwang ang wikang Filipino.
๐ธPagkilala sa may-ari ng mga larawan