07/08/2026
πΏπ TAGUMPAY NA BUNGA NG PAGKAKAISA AT PAKIKIISA! ππΏ
Buong pagmamalaki at pasasalamat na ipinagdiriwang ng DepEd Dolores Elementary School ang pagkakamit ng πππ‘ ππ₯πππ sa Sto. Domingo District Gulayan sa Paaralan Evaluation, kasama ang natatanging pagkilala bilang:
ππ± BEST IN ORGANIC GARDEN π±π
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sipag, tiyaga, pagkakaisa, at malasakit ng buong pamilya ng Dolores Elementary School. π
Taos-puso ang aming pasasalamat sa ating mga minamahal na magulang na buong pusong naglaan ng kanilang oras, lakas, kaalaman, at suporta sa pagbuo, pag-aalaga, at pagpapanatili ng ating Gulayan sa Paaralan. Ang inyong pakikiisa ay malaking bahagi ng tagumpay na ito. π±π€
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga g**o, SPTA Officers, stakeholders, community partners, at lahat ng naging katuwang ng paaralan. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, pagtutulungan, at malasakit para sa ating mga mag-aaral at sa ating paaralan. π
Sa bawat punlang itinanim, halamang inalagaan, at kamay na tumulong, sama-sama nating napalago hindi lamang ang ating hardin, kundi pati ang pagmamahal sa kalikasan, kalusugan, at diwa ng pagtutulungan. πΏπ₯¬π
Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat! π
Patuloy tayong magtanim, mag-alaga, magtulungan, at magpalago tungo sa isang mas luntian, mas malusog, at mas masaganang Dolores Elementary School. π±β¨
MARAMING SALAMAT AT CONGRATULATIONS, SA ATING MAHAL NA PAARALANG, DepEd DOLORES ELEMENTARY SCHOOL! πππ