07/10/2020
https://www.facebook.com/359105487482485/posts/4053229248070072/
PRESS RELEASE
Briones sinalubong ang 24.7 na milyong mag-aaral para sa taong panuruan 2020-2021, idineklara ang pagbubukas ng klase bilang isang tagumpay
PASIG CITY, OKTUBRE 7, 2020 – Opisyal na binuksan ni Education Secretary Leonor Magtolis-Briones noong Lunes ang taong panuruan 2020-2021, kung saan pormal din na nag-umpisa ng transisyon ng bansa patungo sa distance learning.
“We declare our victory over COVID-19, the destroyer of our lives, the destroyer of our economy and of our way of life and society. But we will not allow COVID-19 to destroy our children’s education and their future,” pagbibigay-diin ni Secretary Briones sa School Opening Day National Program na nakabase sa tema nitong Handang Isip, Handa Bukas!
Sa inihayag niyang mensahe sa pambansang telebisyon, idineklara ni Sec. Briones ang pagbubukas ng klase para sa 24.7 milyon na naka-enroll na mag-aaral at 866,512 na mga g**o sa basic education sa buong bansa noong Oktubre 5, na kasabay rin ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day.
"In spite of the pandemic—with the outpouring support from our learners, teachers, stakeholders, and supporters, victory is assured for education. Today we claim victory," dagdag pa ni Secretary Briones.
Ibinahagi rin ng Education chief ang kanyang pagpapahalaga sa mga g**o, mga superintendent ng dibisyon, mga tagapamahala ng distrito, pinuno ng mga paaralan, mga opisyales ng rehiyon, at mga executives ng Central Office na patuloy at sama-samang nagtatrabaho upang maging posible ang pagbubukas ng klase sa taong ito.
“Whatever is happening in the country, whatever challenges we are facing, education must continue, education cannot wait, our learners cannot wait, we continue with the process so we can give hope and continuity, and contribute to the normalization of activities of our country,” ani Secretary Briones.
Pinasalamatan din ni Secretary Briones ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte, mga miyembro ng gabinete, mambabatas, lokal na pamahalaan, mga samahang sibil, mga expert at iba pang mga stakeholder, na sumuporta sa Kagawaran sa pagsasagawa at pag-implementa ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP).
“Indeed, nothing can get in the way of the instructions and formations of our learners -- not even the pandemic. This time also ushers us in a new era in our basic education program as we now ventured into distance and online learning,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang itinalang message.
Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas na ang buong sistema ng basic education ay ipagpapaliban ang face-to-face na klase at ipatutupad ang iba’t ibang distance learning modality bilang mode of instruction dahil sa pandemyang COVID-19. Ang mga mag-aaral ay sisimulan ang kanilang klase sa taong 2020-2021 sa pamamagitan ng modyular, TV- o radio-based instruction, online, o kombinasyon ng mga pamamaraan na ito.
Upang masigurado ang aktwal na pagsasagawa ng distance learning, bumisita ang mga miyembro ng executive committee ng Kagawaran sa iba’t ibang paaralan at field offices sa buong bansa upang makapagbigay-ulat sa mga kaganapan sa kani-kanilang programa.
Ang mga opisyal at bisita ng DepEd ay sumali rin sa panel na diskusyon tungkol sa Oplan Balik Eskwela (OBE), pagpapatupad sa health and safety, pagpapatuloy ng edukasyon at iba pang mga mahahalagang usapin upang makapagbigay ng mas malawak na impormasyon sa publiko patungkol sa mga inisyatibo ng Kagawaran para sa taong ito.
Sina DepEd TV teacher-broadcasters Pamela Amor Villanueva ng Bagong Silang High School at Jamil Carvajal ng T. Paez Integrated School ang nangasiwa sa birtuwal na programa na ginanap sa Bulwagan ng Karunungan sa DepEd Central Office sa Pasig.
Sa Bulwagan din naka-istasyon ang Oplan Balik Eskwela Public Assistance Command Center kung saan tumatanggap at namamahala sa mga katanungan at alalahanin ang Kagawaran patungkol sa pagbubukas ng klase.