12/07/2020
Ang ating paaralang ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL ay nakikiisa sa ating Brigada Eskwela 2020 na may temang "Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan" bilang paghahanda para sa SY 2020-2021.Ito ay magsisimula ngayong June 01 hanggang August 29, 2020.
Bagamat mahirap ang ating nararanasan na sitwasyon sa mga panahong ito dulot ng COVID19, ang Kagawaran ng Edukasyon ay puspos pa rin ng pag-asa na maihahatid nito ang nararapat na serbisyo para sa ating mga mag-aaral.
Sa taong ito, tayo po ay nasa tinatawag na "new normal" na kung saan ang mga pangunahing pangangailangan natin ay ang mga kagamitan at suportang makapagbibigay proteksyon at kaligtasan sa bawat isa. Ang higit na aming kinakailangan sa ating paaralan ay ang mga sumusunod:
disposable/washable face masks
face shields
thermal scanners
70% Isoprophyl Alcohol
antibacterial soaps
disinfectant solutions
disinfectant tank/refill containers
hand sanitizers
surgical hand gloves
foot bath
multivitamins/Vitamin C Supplements
cleaning materials
ink refill (EPSON) para sa printers
printers
A4 bond paper para sa learning modules ng mga mag-aaral
learnerβs kit na naglalaman ng (notebooks, pad paper, ball pens, pencils, crayons, coloring materials)
Kami po ay kumakatok sa inyong mga puso at nanawagan ng inyong pakikiisa sa gawaing ito.Anumang tulong na magmumula sa inyo maliit man o malaki ay magiging kapaki-pakinabang para maipagpatuloy ng ating mga minamahal na mag-aaral ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon na hatid ng pandemyang ito. Tulungan nyo po kaming matulungan sila. Tara na, Brigada Eswela na!
Para sa inyong donasyon makipag-ugnayan lang po kay JESSIELYN PADOLINA, School Brigada Eskwela Coordinator, sa kanyang
cp # 09357959301 o sa kahit sinoman po sa kaguruan ng Rosario Elementary School. Maari rin po kayong magmessage sa page na ito.
Maraming maraming salamat po