20/08/2026
Mga g**o ng ESM, pinahusay ang kaalaman sa assessment practices
Pinaigting ng mga g**o ng ESM (English, Science, and Mathematics) mula sa Santiago City National High School ang kanilang kasanayan sa assessment practices sa Learning Action Cell on PISA-like item integration, Agosto 19.
Tinalakay ni Mario James Dela Cruz, Master Teacher II, ang pagbuo ng mga classroom PISA-like assessment items.
Binigyang-diin naman ni Archel Pascual, Assistant to the Principal-JHS, ang pagsasama ng mga PISA-like questions at HOTS-like questions sa mga classroom assessments.
Samantala, dumalo sina Master Teacher Ma. Socorro Pascual, Sonny Alejo at Consuelo Michelle Echurre sa Division Trainingq Workshop on the Construction and Quality Assurance of PISA-Like Questions for ESM sa Mango Suites, Mabini nitong Agosto 15.
Hinikayat ang mga kalahok na isama ang isa hanggang tatlong PISA-like items sa mga darating na pagsusulit simula sa Taong Panuruan 2026-2027.
Naisulong ang naturang gawain sa ilalim ng pamumuno ni Elmerchita Ribuca, Punong G**o.
20/08/2026
Kahusayan sa pamamahayag, pinaigting sa ikalawang araw ng pagsasanay
Ni Charles Zynder Del Rosario
Ipinagpatuloy ng Santiago City National High School (SCNHS) ang School-Based Intensive Workshop Seminar on Campus Journalism sa ikalawang araw nito upang higit na hasain ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamahayag, Agosto 20.
Nakibahagi sa pagsasanay ang mga mag-aaral mula sa Special Program in Journalism (SPJ) at mga kwalipikadong aplikante para sa nasabing pagsasanay.
Nagbahagi ng kaalaman at kasanayan sa pamamahayag ang mga tagapayo ng The City Icon na sina Kylie Mae Saclamitao at Femelyn Cabreros, kasama ang mga miyembro nitong sina Rosanna Cayaban, Julrus Llarenas, Derick Dale Mendoza, at Jone Marie De Guzman, sa mga kalahok ng pagsasanay.
Naisulong ang training sa suporta ng administrasyon ng paaralan sa pamumuno ng Punong G**o na si Elmerchita Ribuca.
Inaasahang mapipili sa pagtatapos nito ang mga mag-aaral na kakatawan sa SCNHS sa darating na Division Schools Press Conference (DSPC) at sasabak sa iba’t ibang larangan ng pamamahayag.
20/08/2026
4Ps beneficiaries nagsagawa ng clean-up drive, maintenance sa CH
Ni Angel Ramones
Isinagawa ng 300 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kanilang buwanang clean-up drive at school maintenance sa Santiago City National High School (SCNHS), nitong Agosto 20.
Ito'y bilang bahagi ng kanilang responsibilidad sa pakikilahok sa mga pangangailangan ng komunidad at proyeko ng paaralan.
Bagama’t nakatakda ang aktibidad tuwing unang araw ng buwan, ito'y ginawang flexible upang maiangkop sa ibang aktibidad at programa ng paaralan.
Pinangunahan nina 4Ps Coordinator Mario Gabriel at 4Ps Co-Coordinator Michelle Echurre, katuwang ang Araling Panlipunan (AP) Department ang aktibidad.
Layunin ng programa na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng paaralan habang hinihikayat ang mga benepisyaryo na maging aktibong bahagi ng komunidad sa pamamagitan ng boluntaryong pagtulong sa mga gawaing pampaaralan.
Ang programa ay inilunsad ng gobyerno ngunit patuloy na isinasagawa sa ilalim ng pangangasiwa ni Punong G**o Elmerchita Ribuca bilang pagtulong sa mga benepisyaryo.
19/08/2026
Student journos, hinimok na hasain ang husay sa pamamahayag
Nina Shamika Pangan at Cassandra Orig
Hinimok ang mga campus journalist ng Santiago City National High School na patuloy na hasain ang kanilang kakayahan sa pamamahayag upang maging handa sa darating na kompetisyon, sa ginanap na School-based Intensive Training for Campus Journalism nitong Agosto 19.
Binigyang-diin ni Filipino Coordinator Augusto Verona ang kahalagahan ng paggamit ng mga pagkakataong makatutulong sa paglinang ng kasanayan ng mga campus journalist.
“Sana ang gawaing ito ay magdudugtong sa inyong nakahimpil na kakayahan sa pagsusulat. Makinig nang mabuti lalo na kung kayo ay mangangahas sa mga darating nating mga press conferences. Sana ito ay maging ilaw sa larangan ng campus journalism,” aniya.
Samantala, hinikayat ni Assistant to the Principal-SHS Jackilyn Alambra ang mga campus journalist na gawing inspirasyon ang kanilang mga nakatatandang kasamahan na nakilahok sa National Schools Press Conference (NSPC) 2026.
Ibinahagi rin ni Alambra ang acronym na ICON, na nangangahulugang Inspiration, Commitment, Opportunities, at Nurture, bilang gabay sa paglinang ng kakayahan ng mga campus journalist.
Kaugnay nito, hiniling ni English Coordinator Socorro Pascual ang tagumpay ng mga kalahok at pinaalalahanan silang “huwag kalimutang manalangin” at laging makinig sa kanilang mga coach at adviser.
Nakabatay ang naturang pagsasanay sa Republic Act No. 7079 o Campus Journalism Act of 1991, na naglalayong paunlarin ang kasanayan at interes ng mga mag-aaral sa campus journalism.
Inaasahan na maisasabuhay ng mga kalahok ang kanilang mga natutuhan at patuloy nilang hahasain ang kakayahan sa ilalim ng pangangasiwa ni Punong G**o Elmerchita Ribuca bilang paghahanda sa darating na Division Schools Press Conference (DSPC) sa Setyembre 5 hanggang 7.
18/08/2026
Pagpupugay sa Inyong Serbisyo
Sa pagdiriwang ng inyong kaarawan, buong-pusong nakikiisa ang Santiago City National High School sa pagbibigay-pugay sa inyong patuloy at tapat na paglilingkod para sa Santiago City at sa mga mamamayan nito.
Higit pa sa isang simpleng pagbati, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang layuning maghatid ng mas maunlad at maayos na kinabukasan para sa bawat Santiagueño.
Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng lakas, karunungan, at inspirasyon upang maipagpatuloy ang inyong mahalagang tungkulin bilang lingkod-bayan.
Maligayang Kaarawan, Mayora!
Mula sa buong pamayanang paaralan, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati sa isang lider na patuloy na naglilingkod nang may malasakit at integridad.
16/08/2026
SCNHS dinomina ang basketball event
sa 2026 SSCAA meet
Ni Louella Kinalagan
Nanaig ang Santiago City National High School (SCNHS) matapos masungkit ang dalawang kampeonato at dalawang ikatlong gantimpala sa basketball event ng 2026 Santiago South Cluster Athletic Association (SSCAA) meet sa Malvar Barangay Hall, nitong Agosto 15.
Nasungkit ng koponan ng mga kalalakihan ang kampeonato sa 3x3 matapos talunin ang Rosario National High School, 19-10, sa finals.
Samantala, nakakuha naman ng ikatlong gantimpala ang koponan ng mga babae sa parehong kategorya matapos manalo laban sa Unibersidad ng La Salette, 9-2, sa Battle for Third.
Sa kategorya ng 5x5, itinanghal na kampeon ang koponan ng mga babae ng SCNHS matapos walang kalaban.
Nakamit naman ng koponan ng mga lalaki ang ikatlong pwesto matapos manaig kontra Bannawag Integrated School, 85-54, sa Battle for Third.
3x3 Boys (Champion)
Players:
Gabriel Clyde Buenafe
Kevin Enriquez
Kyle Dwyane Laungayan
Rashard Jyred Perez
5x5 Girls (Champion)
Players:
Dhanexie Abellera
Christelyn Ampaya
Sheena Tricie Bugarin
Doña Consuelo Bayaua
Cyril Jane Carbonel
Aliyah Carim
Hannaly Delos Reyes
Maricone Gammad
Xyra Fernandez
Jamilah Macabada
Hannah Mamarinta
Karielle Azalea Mendoza
Janelle Pascual
Noellyn Quijano
April Joy Sonday
5x5 Boys (2nd runner-up)
Players:
Godwill Alipio
Marc Andrei Baquiran
Jay-lord Bassig
Gian Joseph Cachola
Nash Daniel Cumarat
Shigeno Doctolero
John Lester Fernando
Renz Daryl Gajasa
Mark Angelo Gamit
Arwind Junio
Earwill Lubong
Ryan Pascual
Marc Jayven Quines
Deon Matthew Ricarte
3x3 Girls ( 2nd runner-up)
Players:
Marjorie Almoreda
Princess Angel Ann Miguel
Sitti Asyah Macarampat
Rheine Villanueva
Pinangunahan nina Manuel Paragas Jr. at Julius Garabiles, sa pamumuno ni Punong G**o Elmerchita Ribuca, ang mga atleta tungo sa tagumpay.
Kasunod nito, kwalipikado na ang mga nagwagi para sa nalalapit na Santiago City Athletics Association meet.
15/08/2026
Project SIGLA ng SPTA, itinaguyod
para sa mas maayos na SCNHS
Ni Kaia Alberto
Sinimulan nang isulong ng School Parents-Teachers Association (SPTA) ng Santiago City National High School (SCNHS) ang Project School Improvement through Greenery, Landscaping, and Aesthetic Enhancement (SIGLA) upang mapaganda at mapanatiling malinis ang kampus, Agusto 15.
Sa pamumuno ni SPTA President Jimmy Vic Elardo, katuwang ang mga opisyal at Lupon ng mga Direktor mula sa nakaraang taong panuruan, layunin ng proyekto na makalikha ng ligtas, luntian, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral at kaguruan.
Tampok sa naturang hakbangin ang pagtatanim, landscaping, pagpipinta, pagkukumpuni, at masinop na pamamahala ng basura.
“Sa bayanihan ng paaralan at pamayanan, mahalagang hakbang ang Project SIGLA upang mapalakas ang pakikiisa ng mga magulang, g**o, at stakeholders,” giit ng SPTA, kalakip ang pagkilala sa pundasyong inilatag ng mga nagdaang opisyal sa pangangatawan ni dating SPTA Vice President Albert Ambatali.
Kaugnay nito, nananawagan si Elardo at ang buong pamunuan ng patuloy na paglalaan ng suporta mula sa komunidad upang matiyak ang kaganapan ng inisyatiba sa ilalim ng pamamahala ni Elmerchita Ribuca, punong g**o.
Samantala, nakahanay ding isagawa ng SPTA ang pagpapatayo ng lilim sa walkway sa kahabaan ng perimeter fence bilang kasunod na yugto ng proyekto.
Bukod dito, buo rin ang paninindigan ng samahan na maisakatuparan ang pagkakabit ng walk-through metal detector upang higit na mapalakas ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang katuwang sa loob ng paaralan.
14/08/2026
CID tinutukan ang implementasyon ng curriculum programs,
3-term school calendar sa SCNHS
Ni Aldana Galsim
Nagsagawa ng monitoring ang Curriculum Implementation Division (CID) sa Santiago City National High School (SCNHS) upang tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga curriculum programs at pagsunod ng mga g**o at klase sa DepEd Order No. 9, s. 2026, kaugnay ng pagpapatupad ng three-term school calendar.
Sa pangunguna nina Robert Rustia, Education Program Supervisor (EPS)–TLE, at Estelito Balatan, EPS–EsP, pangunahing sinuri ang mga asignaturang nakapaloob sa curriculum programs at ang pagsunod ng mga g**o sa nakatakdang anim na oras ng klase bawat araw.
Dagdag dito, siniyasat din ng CID kung naaayon sa mga pamantayan ng DepEd Order No. 9, s. 2026 ang class schedules ng bawat klase.
Kasama rin sa isinagawang monitoring ang transisyon at kabuuang daloy ng klase upang matiyak na maayos ang paglipat ng mga g**o mula sa isang asignatura patungo sa susunod.
Bukod sa curriculum implementation, bahagi rin ng monitoring ang operations for safety, partikular ang daloy ng paglabas ng mga mag-aaral sa eskwelahan sa oras ng tanghali.
Binigyang-pansin kung maayos at organisado ang paglabas ng mga mag-aaral mula sa paaralan upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan.
Sa pamamagitan ng monitoring, layunin ng CID na matiyak na ang mga g**o, klase, at class schedules sa SCNHS ay naaayon sa mga alituntunin ng DepEd at maayos na naipatutupad ang mga curriculum programs sa ilalim ng bagong school calendar.
Sa pamumuno ni Elmerchita Ribuca, Punong G**o, patuloy na isinusulong ng paaralan ang pagsunod sa mga pamantayan ng DepEd.